Lovi Poe, burado na ang pangalan ng ex-boyfriend sa puso at isip

ADVERTISING

Lovi Poe, burado na ang pangalan ng ex-boyfriend sa puso at isip

Lovi Poe
Lovi Poe

Malakas ang dating ni Lovi Poe. Maganda kasi. Pansin mo kaagad kapag nand’yan na siya. Malakas ang presence niya. Kahit tahimik sa pagpasok niya, mapapansin mo siya agad.

Pangalawang pagkakataon ‘yun nang makaharap namin ang dalaga. Maganda ang suot niya. Parang olive green jacket na sa bandang shoulder nito ay may mga applique cut-outs ng iba’t ibang bulalak sa magkabilang balikat habang ang mahabang buhok niya ay nakalugay na medyo naka-soft curl.

Very light ang make-up niya na umupo mismo sa harapan namin habang kami naman ay humihigop sa malansang ramen na inirekomenda ng mga kasamahan ko sa pag-aalakang ang babaw ng panlasa ko pagdating sa pagkain.

Habang nagnu-noodle spup ako na ramen ang tawag ng mga Japanese at nakikiuso na rin sa sobrang mahal ang presyo (more than P250 ang price ng isang maliit na mangkok), si Lovi naman, sumusubo sa in-order niyang pang-take-out na mga sushi.

ADVERTISING

Sigurado, pang-take-out ‘yun dahil nakabalot na. Dahil nagutom na rin at ang mga katabi niya ay kumakain, in between tsikahan at revelations niya, sumusubo siya ng kanyang in-order na sushi.

Happy si Lovi sa current status niya. Zero man ang lovelife, hindi ito naging sagabal sa kanyang personal na buhay at sa career.

Nang maghiwalay sila ni Rocco Nacino na in between tsikahan, never ko yatang narinig nasambit ng ibang reporter ang pangalan ng binata. Basta referring to Rocco, “Siya” ang salitang pantukoy nila sa kanya sa kuwentuhan.

Hindi ko alam kung bawal o ayaw na lang banggitin ni Lovi ang pangalan ni Rocco, pero oks na rin. No need to elaborate. Dahil ang hiwalayan nilang dalawa, parang biglaan, na nagsimula sa masansang na tsismis tungkol sa binata na ‘yun pala ay natuluyan.

Last night sa The Library, kung saan nanood kami ng isang comedy show ni Teri Onor, naging topic namin si Lovi at si “Siya”. Nagulat ako sa tsismis tungkol kay “Siya” na naging rason daw ng split ng dalawa.

“No third party,” panigurado ni Lovi.

Actually, sa estado niya ngayon, masaya ang dalaga. Parang walang trace ng hugot at drama sa hiwalayan nila ni “Siya”. Oks na rin ‘yun. Mabilis ang kanyang pag-move-on sa past relationship niya kay “Siya”.

“It’s not moving on. I just did it for myself,” sabi ni Lovi.

Sa short tsikahan namin sa dalaga, I find her very sexy, lalo na sa boses niya na medyo may pagkamalat. Naitanong ko nga noong una ko siyang napanood sa telebisyon na ini-interview sa TV Patrol, like na like ko ang husky sexy voice niya. Sabi sa akin ng kaibigang Allan Diones noon, “‘Yun talaga ang boses niya, ‘teh. Sexy, ‘no?”

Hindi man sinasabi ni Lovi, ang basa ko sa mga kuwento niya kay “Siya”, may malalim na dahilan ang hiwalayan nila. Never pa pala silang nag-krus ng landas mula nang mag-split sila ni “Siya”.

What if kung magtagpo muli sila sa liit ng mundong ginagagalawan nila? Parang walang nasagot si Lovi who is excited na sa bago niyang drama serye na “Someone to Watch Over Me” ng Kapuso Network na magsisimula na sa Lunes, September 5. Mas excited ang dalaga sa bago niyang serye with Tom Rodriguez kaysa sa isasagot niya sa huling tanong namin.

Aminado si Lovi na madali siyang ma-in love. Aquarian siya, free spirited tulad ng nababasa kong karakter niya. Very bohemian ang dating ni Lovi sa amin na bagay sa kanya, lalo pa’t sa istatus ng buhay niya, tuloy pa rin ang paglalakbay niya at paghahanap ng bagay na hinahanap niya na magpapasaya sa kanya nang tunay.

Yes, happy si Lovi. Hindi siya emotera. Hindi nga raw siya umiyak nang mag-split sila ni “Siya”.

“I will reserve it in my next scene sa new serye ko,” natatawang sabi niya.

Sa ngayon she’s enjoying the company of a French guy na nagpapangiti sa kanya. Ayaw niyang idetalye si Pranses. Basta ang mahalaga, masaya siya.

Who cares nga naman kay “Siya”. Tapos na ‘yun at kasama ‘yun sa pilas ng kalendaryo ng buwan ng Agosto 2016.

Bukod sa may happy smiley ang puso ni Lovi, chill lang ang buhay niya. Maganda kasi ang takbo ng kanyang career at siyempre, ‘wag kalimutan ang kanyang “lovelife” na siyang dahilan kung bakit positibo ang mundo niya ngayon.

With a new teleserye starting this coming Monday and a new film with Derek Ramsay and Christoper de Leon na “The Escort”, what else can she ask for?

“Basta… masaya ako,” pahayag niya na naka-smile.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING