Lovi Poe, bet parehong jowain sina Marco Gumabao at Tony Labrusca

ADVERTISING
Leo Bukas

MAKAKASAMA ni Lovi Poe sa unang pagkakataon sa pelikulang Hindi Tayo Pwede sina Marco Gumabao at Tony Labrusca. Ang sexy drama movie ay produced ng Viva Films and directed by Joel Lamangan.

Tanong  agad ng press sa aktres sa grand media con ng pelikula, ‘Kumusta namang katrabaho ang dalawang hunk aktor?’

Lovi Poe, bet parehong jowain sina Marco Gumabao at Tony Labrusca
Tony Labrusca, Lovi Poe and Marco Gumabao

Ani Lovi na nakangiti, “Naku, ang sarap nilang katrabaho.”

Parehong mas bata ang edad nina Tony at Marco kumpara kay Lovi at ani Lovi, masuwerte siyang nakatrabaho ang dalawa sa Hindi Tayo Pwede.

“I’m just really grateful to be given the opportunity to work with fantastic actors. To make a good film you have to be surrounded with the best team – I have Direk Joel, Si Ricky Lee. And  with Marco and Tony, I can’t even explain how excited I am about this film,” sambit ng aktres.

ADVERTISING

Nang pinapili ng press si Lovi kung sino sa dalawang leading man ang gusto niyang jowain at gusto namang tropahin ay medyo naguluhan ang aktres sa kanyang sagot.

Wika niya, “Mahirap because parehas silang silang may qualities na totropahin at jojowain. Ang hirap. They’re both ano, eh… it’s hard to say. I can’t really choice because parang they both have the qualities na puwede sa isang relasyon.”

Dagdag niyang paliwanag, “I think, just how respectful they are, hindi lang sa akin kundi sa mga katrabaho na kasama namin sa set. Do’n mo kasi makikita if that person is not just nice to you but nice to everybody at hindi nagpapakitang tao – genuine lang talaga.

“So, just the fact that they’re very respectful to everyone and also they’re very driven, mahirap mag-decide. Look at them, they’re doing great movies, working with really great actress and great directors.

“You know, it’s not easy to be in this industry and at the same time  be very… on top of their game, so I think that’s what make them really good.”

Lovi Poe, bet parehong jowain sina Marco Gumabao at Tony Labrusca
Tony Labrusca, Lovi Poe and Marco Gumabao

Sa physical aspect, ano ang gusto niya kina Tony at Marco?

“Gusto ko yung eyes and smile nila. Yung abs kasi parang ano na yon, eh. Parang plus na yung abs nila and abs is not really… Hindi naman siya requirement, it’s just that they have it so why not?” lahad pa ng dalaga.

Samantala, kahit parehong single sina Tony at Marco at i-link pa sila kay Lovi ay hindi naman ito magpo-prosper dahil may boyfriend ngayon ang aktres – ang British na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer.

Ipapalabas na ang Hindi Tayo Pwede sa March 4, 2020.

 

ADVERTISING