Lovi Poe, ayaw madamay ang pamilya sa mga intriga kay Sen. Grace Poe

ADVERTISING

Lovi Poe, ayaw madamay ang pamilya sa mga intriga kay Sen. Grace Poe

Lovi-PoeWALA NAMANG problema kay Lovi Poe kung hinihingi ng mga pagkakataon na sa abot ng kanyang makakaya ay masuportahan din niya sa kanyang kampanya ang tatakbong Pangulo ng Pilipinas na si dating Senadora Grace Poe. Noon pa namang kumakandidato ang anak nina Susan Roces at ng yumaong Fernando Poe, Jr. ay laging sinasabi ng magandang aktres na kung kakailanganin ang kanyang suporta, okey lang sa kanya. Nagkataon nga lang noon na sa kasagsagan ng pangangampanya para kay Poe, lagi ring may taping ng teleserye ang Kapuso star.

ADVERTISING

Aware si Lovi sa mga kontrobersiyang pinagdaraanan ngayon ni Sen. Grace habang nalalapit na ang kampanyahan sa pampanguluhan ng bansa. Naging hayag ang pagpapakatotoo ni Sheryl Cruz tungkol sa hindi niyang pagsang-ayon na dahil sa mga intriga ngayon na may kinalaman sa pagkandidato ng kanyang pinsan, nadadamay lagi ang kanilang pamilya sa isyu. Wala namang kinalaman din doon si Lovi, dahil iba naman ang isyu niya sa buhay ng yumaong Action King.

Pero sa ilang taon na rin ni Lovi sa showbiz, lalo na nga’t hindi sila legal na pamilya ng yumaong si FPJ, alam ni Lovi lagi kung saan siya lulugar. Hangga’t maaari rin, ayaw niyang madadamay siya sa mga intrigang naglalayon lamang na magkaroon ng gulo at intriga dahil kumakandidato ngayon si Sen. Grace na pamilya ng yumao niyang daddy. Pero sa mga nangyayari, saludo si Lovi sa katatagan ng kontrobersiyal na senador pagdating sa pagharap nito sa mga isyung pilit siyang inilalaglag.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING