Lovi Poe at Tom Rodriguez reunited sa ‘I Can See You presents High-Rise Lovers’

ADVERTISING

MULING magsasama ang Kapuso prime artists na sina Lovi Poe at Tom Rodriguez sa ikatlong kuwento ng bagong primetime anthology series ng GMA-7 na ‘I Can See You presents High-Rise Lovers‘.

Ito ay kuwento ng dalawang mag-asawa na sina Samantha (Lovi Poe) at Luis (Tom Rodriguez) na magkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama dahil magkaiba ang kanilang goals and views sa buhay.

ADVERTISING
Lovi Poe at Tom Rodriguez reunited sa 'I Can See You presents High-Rise Lovers'
I Can See You presents High-Rise Lovers

Sa paglipat nila sa bagong tahanan sa isang condominium, mas magiging focused sa trabaho si Samantha habang ang contractor na si Luis ay walang trabaho. Mapipilitan ito na tanggapin ang isang renovation job ng mapanuksong kapitbahay na si Ysabel na gagampanan naman ni Winwyn Marquez. Kalauna’y magkakaroon ng relasyon ang dalawa at magsususpetsa si Samantha hanggang sa mahuli nito ang dalawa na magkasama sa isang condo unit.

Ito ang comeback project nina Lovi Poe at Tom Rodriguez sa telebisyon. Dati na silang nagbida sa relevant drama series na ‘Someone to Watch Over Me’ noong 2016 na nasundan ng isang sexy-romance film na ‘The Significant Other’ noong 2018, kung saan nakasama nila si Erich Gonzales.

Bagong kumbinasyon din ang tapatang Lovi at Winwyn na parehong maganda, morena, sexy at mala-modelo ang hulma. Ang gwapo ni Tom, ha?

ADVERTISING

Ang I Can See You presents High-Rise Lovers ang pangatlo sa apat na kuwento na inihanda ng GMA Network. Nauna nang ipalabas ang ‘Love on the Balcony’ nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Last week naman ay lumevel-up to being a dramatic leading man si Paolo Contis sa ‘The Promise’ kung saan nakatambal naman niya sina Yasmien Kurdi at Andrea Torres. Next week ay sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Rhian Ramos naman ang magsasama-sama.

Abangan na ngayong 9:20 PM ng gabi sa GMA!

ADVERTISING