Lovi Poe at Rocco Nacino, ayaw aminin ang break-up

ADVERTISING

Lovi Poe at Rocco Nacino, ayaw aminin ang break-up

Lovi-Poe-Rocco-NacinoKUNG PAGBABASEHAN ang Instagram accounts nina Lovi Poe at Rocco Nacino, tila totoo ang balitang hiwalay na ang dalawa. Pero kapag nakaharap mo naman ang dalawa, ayaw magsalita kung ano ba talaga ang sitwasyon ng pagmamahalan nila ngayon.

Dati kasi, madalas na makikita sa Instagram nila ang larawan na magkasama. Ngayon ay wala na kahit isang photo na magkasama sila. Ngayon ay kanya-kanya na sila ng photos. Si Rocco, sa kanyang training at sa kanyang resto. Si Lovi, abala na mag-post ng sariling pangyayari sa kanyang buhay, tulad ng pagsasama nilang magkapatid at kaibigan na si Heart Evangelista.

Makahulugan ang mensahe ni Lovi sa kanyang Instagram last week na binigyan ng kahulugan ng kanyang followers. Nakasaad sa wall niya: “Sometimes you have to give up on people not because you don’t care, but because they don’t.”

Hindi naman sinagot ni Lovi ang pagtatanong ng kanyang fans kung si Rocco ba ang tinutukoy niya. Kaya nagpayo na lang ang mga nagmamahal sa actress na bitawan na ang kasintahan kung wala rin lang itong malasakit sa kanya.

ADVERTISING

Samantalang may post din si Roco sa kanyang Instagram ng mensaheng: “One of the hardest decision you’ll ever face in life is choosing whether to walk ayaw or try harder.”

Anyway, knowing Lovi na namana yata sa ama ang katatagan ng loob kapag may dumarating na pagsubok. Kaya madali rin itong makamu-move on kung totoo nga na nagkakalabuan na sila ni Rocco.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING