Lovi Poe, aprub sa kissing scene nina Heart Evangelista at Rocco Nacino sa kanilang serye

Heart-Evangelista-Lovi-PoeEXCITED NA si Lovi Poe sa bago nilang serye ni Heart Evangelista na Beautiful Strangers. Na-challenged kasi si Lovi sa kanyang character at itinuring niyang pinakamahirap sa mga acting project na nagawa. Maliban kasi sa mga mabibigat na drama scenes at characterization, dumanas daw ng mahihirap na eksena sa kalsada ang actress. Ipinost nga ni Lovi sa kanyang Instagram account ang ilang larawan, kung saan nagmistulang taong grasa siya na pakalat-kalat sa kalsada.

Tsika pa ni Lovi, noon daw mag-treat siya ng dinner sa mga Kuwaiti producer niya sa The Fort, hindi raw nilinis ‘yung mga lugar na hinigaan niya sa taping. Ayon pa sa actress, pinahiga siya ng production sa kalye na may ihi ng daga, aso, at tao. Nakikita raw niya ang mga natuyong dumi ng aso at iba pang hayop. Ibinilad daw talaga siya sa ilalim ng mainit na araw at hindi siya nagtatagal sa tent dahil kailangang kunan uli ang mga nakalaang pang eksena.

Sa isang banda, naging malaking tulong nga raw ang mga hirap na dinanas niya para mabigyan ng tamang acting ang character na ipinagkatiwala sa kanya.

Nang tanungin naman si Lovi tungkol sa kissing scene nina Heart at Rocco Nacino, natawa raw siya sa dalawa sa eksenang naghahalikan. Naaliw raw siya kay Heart sa pagkailang bago kunan ang kissing scene, dahil kinailangan pa raw humingi ito ng ilang minutong break para ikundisyon ang sarili.

Sabi ni Lovi, trabaho lang ‘yun at bale-wala sa kanya ang naturang eksena. At least daw sa kaibigan niyang matalik na si Heart nagkaroon ng kissing scene ang kanyang boyfriend.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleRita Daniela, tinarayan si Donita Rose?
Next articleGladys Reyes, wala nang planong dagdagan ang pa ang 3 anak

No posts to display