Lovi Poe and Jake Cuenca, playing sweet music together?

Lovi Poe and Jake Cuenca, playing sweet music together? Lovi Poe and Jake Cuenca, playing sweet music together? IPINAG-UTOS KAMAKAILAN NG Metro Manila Development Authority o MMDA ang pagbaklas ng billboard ng Philippine Volcanoes  (partikular ng mga Fil-Aussie members nito) endorsing an underwear brand along Guadalupe, EDSA. Nanguna sa mga nagrek-lamo si Valenzuela City Sherwin Gatchalian reportedly acting on a complaint by a male parent who, when coasting along the highway, had to tell his kids to cover their eyes. Ipinaliwanag na ng AdBoard whose attention was called by the MMDA ang kanilang posisyon, the billboard advertisement was allowed because it saw nothing objectionable, much less obscene about it. Very fundamental ang ibinigay na katuwiran ng Adboard, if you’re promoting a soap or a shampoo brand, ipakita mo ang produktong ‘yon. And in the case of the underwear company, natural nga lang namang ipa-kita mo ang briefs. But moralist groups would not buy this advertising principle. Nalalaswaan daw sila dahil may mga nakaumbok. Kung ito ang gagamitin nating yardstick, wala na rin dapat babae who will endorse a brassiere brand dahil nakaumbok din ang boobs niya. Nakakatawa that the MMDA’s reaction, or shall I say Mayor Gatchalian’s, came too late. Ilang dipa lang ang layo ng kanilang tanggapan sa Guadalupe bridge kung saan bago nakabalandra ang mga umbok at tambok ng mga Fil-Aussie na ‘yon na sapu-sapo ng briefs, too many underwear billboards had come before them. And make it along the entire EDSA strip. Nariyang may billboard din dati on that same spot si Dingdong Dantes of the same company, somewhere along EDSA ay nakabuyangyang ang naka-underwear ding  si Jake Cuenca, pero nakalusot ang mga ito sa MMDA? So, iba ang batas sa Pinoy kesa sa half-Pinoy? And what about the equally imposing billboards of women in their provocative outfits, hindi binabaklas because they are a visual delight? May tawag diyan… social hypocrisy! Lovi Poe and Jake Cuenca, playing sweet music together? ARE LOVI POE and Jake Cuenca playing sweet music toge-ther? Jake was Lovi’s escort sa preem night ng kanyang latest movie, basta nagkayayaan lang daw sila nu’ng gabing ‘yon. Asked kung sino si Jake sa buhay ngayon ni Lovi, hindi raw niya alam. Hangga’t maaari, ayaw niyang ibahagi ang kanyang personal na buhay. Oh, we heard that line many times over, didn’t we? Itong-ito rin ang automatic answer ni Lovi noong na-link muna siya kay Jolo Revilla, tapos kay Ronald Singson. De-buton na yata ang sagot ni Lovi sa tuwing may mag-uusisa tungkol sa kanyang lovelife, and now she’s mouthing the same line na siya na lang yata ang hindi nagagasgasan.   BLIND ITEM: IKINUKUNEK ng showbiz ang umano’y kasong pananakit ni Maricel Soriano sa kanyang dalawang kasambahay sa halos kapareho ring reklamong inihain laban sa ngayo’y hindi na aktibong aktres. Himalang nalusutan ng “no longer active actress” (NLAA) ang matinding paratang din ng kanyang househelp, kung paanong naareglo ‘yon sa kabila ng pamimiyesta ng media ay tanging ang dalawang partido lang ang nakakaalam. Minsan nang nagbida ang NLAA, remake ‘yon ng isang pelikulang unang tinampukan ng equally NLAA na may kunek kay Maricel. Pero sadyang nananalaytay sa ugat ng NLAA ang hitsurang artistahin, na minana ng kanyang anak na lalake who can pass for a matinee idol na kakabugin ang lahat, whose first name is a famous Russian novelist! Pero tila may nakaambang problema kung sakali, “magaan” din daw kasi ang kamay ng bagets tulad ng kanyang madir… that Karen Carpenter (or rather, her bones) might turn in her grave. Da who ang NLAA? May monarchy ba sa Russia, wala, ‘di ba? Pepperoni by Ronnie Carrasco III