Loveteam, friends with benefits ang drama

ADVERTISING

BLIND ITEM: Riding on lang ang beauty ng isang aktres sa kanyang ka-love team na matagal nang natsitsismis na bading.

Friends with benefits kasi ang drama ng dalawa. Alam nilang hit ang kanilang love team kaya naman extra careful sila sa pagharap sa tao.

ADVERTISING

Pinapatunayan ng dalawa na they’re only after their career. Siyempre nga naman, merong silang bagong ino-offer sa kanilang fans.

Pero minsan, nawawala sa focus ang aktres. Minsan ay nakakalimot siya at hindi napag-aaralan ang kanyang kilos.

One time, during a TV guesting ay naloka raw ang actor na ka-love team ng aktres nang tawagin siyang bakla.

ADVERTISING

“Halika na, bakla,” kaswal na kaswal daw na sabi ng aktres sa kanyang kapareha dahil sila na ang susunod na isasalang sa live interview.

Bagama’t naloka ay hindi na lang nagpahalata ang actor, deadma na lang ang beauty niya.

Hindi rin naman siguro aware ang aktres sa kanyang salitang nabitawan.

So, tuloy ang pagpapanggap ng dalawa all for the sake of their love team.

Ang nagagawa nga naman ng pera!

By Alex Brosas

ADVERTISING