The Lovely Taurus Ladies of GMA-7

ADVERTISING

The Lovely Taurus Ladies of GMA-7

Andrea-Torres The Lovely Taurus Ladies of GMA-7 Jackie-Rice The Lovely Taurus Ladies of GMA-7 Julie-Anne-San-JoseALAM N’YO ba na ang mga Taurus ladies ay kilala sa pagiging creative, independent and loyal? Ito malamang ang dahilan kung bakit sa bakuran ng Siyete ay halos puro mga babaeng ipinanganak sa April at May ang namumukadkad ang karera. Determinado silang makuha ang gusto nila – either by hook o by crook!
Sinu-sino nga ba ang leading ladies ng GMA-7 na certified Taurus? Kilatisin na natin!

ADVERTISING

JENNYLYN MERCADO

S’yempre, numero uno sa listahan natin ang bida ng Rhodora X na si Jennylyn Mercado. Aba, hindi biro ang ginagawa niyang pagpalit-palit ng characters in one scene, ha? Sa mga masyadong tutok sa kabit-serye ng Dos, ang Rhodora X ay isang psychological drama, kung saan kasalukuyang tatlong personalities ang ina-akting ni Jen. Ang normal na si Rhodora, ang batang si Rowena at ang matapang na si Roxanne. Bihira ang artistang tatanggap ng very stressful at demanding roles tulad nito, pero kering-keri ito ni hot momma Jen! Hindi na kami magtataka kung hahakot ito ng major awards soon.

JACKIE RICE

ADVERTISING

Ang ikatlong Ultimate Female Survivor ng Starstruck ay very active pa rin sa showbiz. Isa siya sa itinuturing na ‘GMA Afternoon Drama Princesses’ dahil consistent itong may palabas sa panghapong timeslot. Hindi man siya ang pinaka-bida sa Innamorata, markadong-markado naman ang papel niya bilang malditang si Gina. Every Friday ay nakikipag-kulitan din ito sa Bubble Gang. Balita namin ay may ginagawa itong indie film ngayon under Joel Lamangan. Sana nga’y magkaroon din ito ng launching movie soon because she deserves it!

ANDREA TORRES
Si Andrea Torres ang isa sa pinakainaabangan sa Sunday All Stars. Paano ba naman kasi, super mapang-akit ang kanyang mga dance moves! Walang kiyeme ito pagdating sa paseksihan at gilingan! Very far sa una niyang na-project na image sa ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ at ‘With a Smile’. Wala siyang teleserye at the moment, pero sulit na sulit naman ang mga male fans nito tuwing lumalabas ito sa Bubble Gang ‘pag Biyernes. Just chew it!

BELA PADILLA

Dahil sa akting na ipinamalas nito sa 10,000 Hours, umani ito ng nominasyon mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Sa totoo lang, siya ang may dating pagdating sa aktingan among the Padilla ladies sa showbiz. Bali-balitang niluluto na ng Siyete ang susunod na teleseryeng pagbibidahan nito at dumarami rin ang kanyang endorsements. Way to go, pretty girl!

JULIE ANNE SAN JOSE

Last but not the least, ang Teen Singing Sensation na si Julie Anne San Jose o JAPS. Nag-9x Platinum na ang kanyang debut album at marami na ang umaasang mag-release ito ng bago as soon as possible. Kasalukuyang itong napapanood sa Sunday shows tulad ng Sunday All Stars at Pepito Manoloto. May rumors lately na lilipat na raw ito sa Dos. Totoo kaya ang tsikang ito?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING