Lovelife ni Sarah Geronimo, may blessing na ni Mommy Divine

ADVERTISING

Lovelife ni Sarah Geronimo, may blessing na ni Mommy Divine

Sarah-Geronimo-Divine-GeronimoHINDI NA maitago nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang totoo nilang relasyon kahit walang pang formal na pag-amin mula sa kanilang dalawa. Pinatotohanan ni Direk Wenn Deramas may mutual understanding na nga ang dalawa sa pamamagitan ng text message. Nai-wrong sent ni Matteo sa comedy director ang text message, ‘yun pala ay para kay Sarah.

‘Mahal,’ ang tawag ni Matteo kay Sarah, ibig sabihin sila na nga. Bago pa man sila naging mag-dyowa, seryosong kinausap Daw ng binata ang parents ng Pop Princess para hingin nito ang blessing sa gagawin niyang pangliligaw. Months ding tumagal ang panunuyo ni Matteo sa dalaga bago napapayag si Mommy Divine na ibigay ang kanyang blessing, kuwento sa amin ng malapit sa dalawa.

Naramdaman ni Mommy Divine na seryoso si Matteo sa panliligaw sa kanyang anak na si Sarah. Nag-usap pa raw nang masinsinan ang mag-ina tungkol sa status ng panliligaw ng hunk actor. Inamin daw ng actress/singer sa ina na may feeling na nga siya sa binata. Palibhasa malinis ang intensiyon at totoong mahal nga ni Matteo si Sarah, ibinigay na raw ni Mommy Divine ang blessing sa kanilang dalawa. Kaya naman, inspirado pareho silang magtrabaho. May mga rules nga lang daw si Mommy Divine na dapat sundin sina Sarah at Matteo sa kanilang relasyon.

Agad-agad na sinang-ayunan nina Sarah at Matteo kung anuman ang ayaw ni Mommy Divine. It’s about time na magka-boyfriend ang singer/actress. She’s already 27 years old now. At least, may freedom na ang dalaga to express her feeling sa lalaking mahal niya. I hope this relationship will last.

ADVERTISING

Kakaiba nga ang aura ngayon ni Sarah, very much happy sa relationship nila ni Matteo. Sa lahat yata nang nanligaw sa dalaga, tanging si Matteo lang ang totoong nagustuhan ng pamilya ng Pop Princess kaya’t ibinigay nila ang blessing. It’s about time na magka-boyfriend na nga ang kanilang anak, tsika pa sa amin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING