Love, Pain and Revenge sa Trophy Wife

ADVERTISING

Love, Pain and Revenge sa Trophy Wife

Cristine-Reyes Derek-Ramsay Heart-Evangelista John-EstradaDALAWANG BESES ko nang napanood sa sinehan ang adult-drama ng Viva Films at MVP Entertainment na Trophy Wife. Ang pelikulang ito ang sinasabing ‘last’ sexy film na gagawin ni Cristine Reyes, na isa pa rin sa pinaka-seksing celebrity na hinahangaan ng lahat.
Matagal nang ibinalita rito sa Pinoy Parazzi ang Trophy Wife. Nagkaroon ng aberya sa director ang production ng pelikula. Originally ay si Elwood Perez ang direktor, na pinalitan the last minute ni Andoy Ranay.
Staple na sa ‘infidelity’ films sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, kaya marami ang unsure kung sulit bang ipambili ng ticket ang pera nila. Para bago, isinali rin nila sa pelikula sina John Estrada at Heart Evangelista.
Ito ang unang pelikula ni Heart Evangelista sa Viva Films at marami ang nag-e-expect na equal ang exposure nila ni Cristine rito. Naging vocal din ang Kapuso actress na hindi siya masaya sa kinahinatnan ng kanyang role sa pelikula. Nag-agree naman si Cristine Reyes na mas marami nga siyang screen time sa Trophy Wife. Si Derek Ramsay naman ay biglaang kinasuhan ng legal wife nito just recently. Kaloka!
Now let’s go straight to the film proper.
Kung inaakala ng moviegoers na masyadong ‘giveaway’ ang trailer, nagkakamali sila. May mga moments na napapahawak kami sa upuan dahil may mga awkward scenes na hindi mo akalaing kayang gawin ni Cristine Reyes onscreen. Oo nga’t sanay na ito sa love scenes, pero sa pelikulang ito ay napatunayan niya na she can really act. May mga sizzling hot scenes ito with both Derek and John, pero mas tumatak sa viewers ang transition niya bilang simpleng probinsyana to a fierce temptress.
Heart Evangelista may have less screen time, pero ang lakas ng dating nito onscreen! It reminds us of Zhang Ziyi. Surprisingly ay may kilig factor ang tandem nila ni Derek Ramsay. Very classy and subtle ng atake ni Heart bilang Gwen, na magandang pambalanse sa strong persona ni Cristine as Lani.
John Estrada continues to be one of the hottest actors natin ngayon at nakagugulantang ang ilan sa mga highlight scene kung saan siya ang involved. Hindi na namin ie-elaborate para iwas spoilers, huh!
Kung ito man ang last sexy film ni Cristine, masasabi namin na napakagandang finale project ito. On Heart’s case, this is a good introductory project for her as a Viva Baby. Sana’y mabigyan pa ito ng serious roles in the future.
As for Derek? Katakam-takam pa rin siya! Sana lang ay mabigyan din siya ng pelikula kung saan hindi na infidelity-themed ang istorya.
Sugod na sa sinehan at manood ng Trophy Wife!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING