‘Love of my Life’ nina Carla Abellana at Rhian Ramos magtatapos ngayong gabi

MAGTATAPOS NA ngayong gabi ang family drama series ng GMA Network na ‘Love of my Life‘ Ito ay pinagbibidahan ng Kapuso favorite leading ladies na sina Carla Abellana at Rhian Ramos kasama sina Ms. Coney Reyes, Tom Rodriguez at Mikael Daez.

'Love of my Life' nina Carla Abellana at Rhian Ramos magtatapos ngayong gabi
Love of my Life lead stars Tom Rodriguez, Carla Abellana, Coney Reyes, Rhian Ramos and Mikael Daez

Isa ang programa sa mga ongoing teleseryes ng GMA na natigil ang taping dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ noong March 2020. Noong panahon na iyon ay ipinalabas muna ang ilan sa mga eksenang nakunan na including ang death scene ni Stefano (Tom Rodriguez) na asawa ni Adelle (Carla Abellana) at may anak sa kanyang ex-girlfriend na si Kelley (Rhian Ramos).

Marami ang nabitin sa kuwento kaya naman marami ang natuwa at nasabik nang kumpirmahin nina Carla at Rhian sa kani-kanilang vlog channels last year na sila ay magkakaroon ng lock-in taping para matapos ang shooting ng kanilang teleserye.

Sa kuwento ay parehong nainlove na sina Adelle at Kelley kay Nikolai, ang kapatid na Stefano played by Mikael Daez. Idagdag pa ang samu’t saring isyu na kinasasangkutan ng kani-kanilang pamilya.

Magkakaroon ba tayo ng happy ending sa Love of my Life? Nakakatuwa na may mga gabi na trending ang mga episodes ng programa. Ibig sabihin, kinapitan ito ng kanilang loyal followers at mga ibang viewers na napukaw ang interes.