Love of My Life, My Destiny: Tom Rodriguez at Carla Abellana engaged na!

ENGAGED NA ang longtime couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana!

Ito ang masayang balita ng Kapuso stars na ikinakilig ng kani-kanilang mga followers ngayong araw. Sa panahon na puno tayo ng hinagpis sa mundo ay isang magandang balitang pag-ibig ang ibinahagi sa atin ng TomCar (tawag sa loveteam nina Tom at Carla).

Love of My Life, My Destiny: Tom Rodriguez at Carla Abellana engaged na!
Carla Abellana and Tom Rodriguez

Unang nagkakilala sina Tom at Carla noong 2013 nang magsama sa iconic LGBT drama series na ‘My Husband’s Lover’ kung saan gumanap sila bilang mag-asawa at ka-love triangle nila si Dennis Trillo. Kahit na sa serye ay sina Tom at Dennis ang nagkatuluyan, in real life naman ay nagkadebelopan sina Tom at Carla.

Dahil sa kanilang undeniable chemistry, nagbida sila sa mga pelikulang ‘So It’s You’ at ‘No Boyfriend Since Birth’. Nagbida rin sila sa mga teleserye ng GMA-7 tulad ng My Destiny, I Love Davao at ang katatapos lang na ‘Love of my Life’.

Seven years and still going strong ang relasyong TomCar. Ibinunyag din nila na noong October 2020 pa pala sila engaged. Level up na talaga!

Love of My Life, My Destiny: Tom Rodriguez at Carla Abellana engaged na!
Carla Abellana and Tom Rodriguez

Ilan sa mga artistang nagpahayag ng kanilang pagbati ay sina Heart Evangelista, Max Collins, Iya Villania, Angelika de Cruz, Ruby Rodriguez, Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, Lovi Poe, Ruru Madrid, Andrea Torres, Solenn Heussaff, Chynna Ortaleza at marami pang iba.

Congratulations, Tom and Carla! Sure na sure na kayo talaga ang destined for each other. Ano ang feeling na every night ay masasabi mo na you are with the ‘love of my life’? My destiny! Waaah kilig pa more!