‘Love Life With Kris Aquino tuloy na ang airing sa TV 5

ADVERTISING
Leo Bukas

TULOY NA ulit ang TV show ni Kris Aquino titled Love Life With Kris sa TV 5.

In fact, nagpromo shoot na ang Queen of All Media na ikinagulat ng maraming empleyado ng TV network. Winelcome na rin siya sa studio ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Matatandaan na pagkatapos ng bonggang announcement ni Kris noon na she’s coming back ay bigla itong naudlot. Na siyempre ay labis na ikinalungkot ng kanyang mga supporters na matagal nang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

‘Love Life With Kris Aquino tuloy na ang airing sa TV 5
Kris Aquino

Sa post ni Kris noon ay maluwag sa puso niyang tinanggap ang nangyari na naging dahilan pa nga para mag-deactive siya ng kanyang social media account. Ayon pa sa kanya, kaya hindi na siya nag-post ng kung anu-ano ay dahil ayaw na niyang makadagdag pa dinaranas na  problema ng bansa.

Ang itinuturong dahilan noon ng balitang shelve na TV show ni Kris ay ang hindi pagkakaunawaan ng TV network at ng producer ng show ni Kris. Hindi kasi ito station-produced kundi blocktimer.

ADVERTISING

Habang nagkakaroon ng negotiation ang TV network at ang producer ni Kris ay wala namang ibinibigay na pahayag ang management team ni Kris na Cornerstone.

Samantala, matinding pag-iingat ang ginawa ni Kris during the promo shoot. Lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment bilang pagtugon sa ipinatutupad na health protocols.

Si Kris naman ay naka-face mask at face shield na tinatanggal niya kapag kailangan na siyang kunan ng camera.

 

ADVERTISING