Louise delos Reyes, umaming buntis

ADVERTISING

Louise delos Reyes, umaming buntis

Louise-delos-ReyesSINAGOT NA ni Louise delos Reyes ang isyung diumano ay buntis siya at ang ama raw ay si Aljur Abrenica.

Matatandaang si Louise ang sinasabing third party sa break-up nina Kylie Padilla at Aljur na siyang ikinasama raw ng loob ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Sa pag-aakala ng ama na hindi raw tunay na lalaki si Aljur, pinayuhan nito ang anak na sa susunod ay humanap ng tunay na lalaki.

Nakarating na kay Aljur ang naging pahayag ni Robin, pero hindi ito nag-react at ang nasabi na lang ng young actor ay huwag nang sagutin para hindi na lang lumalala pa.

ADVERTISING

Ngayon sa paglabas nga ng isyung buntis si Louise at si Aljur ang sinasabing diumanong ama, lalong naghinala ang iba na tila totoo raw na si Louise ang ipinalit ni Aljur ay Kylie.

Sa panayam ng GMA 7 kay Louise tungkol sa buntis isyu. Sinabi nito na, “Tumaba lang buntis na agad. Hindi ba puwedeng malakas lang ang kain ko.”

Ayon pa kay Louise, totoo raw na buntis siya sa episode ng Magpakailanman. So, hindi kaya ang gumawa or gumimik ng isyung buntis ay para sa promo ng paglabas niya sa nasabing show ni Mel Tiangco sa GMA 7?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING