Louise delos Reyes, pang-suporta na lang ang role

ADVERTISING

Louise delos Reyes, pang-suporta na lang ang role

Louise-delos-ReyesMARAMING NAGULAT at nalungkot sa naging desisyon ng mahusay na young star na si Louise Delos Reyes na maging support na lang sa bagong teleserye ng GMA 7 na My Faithful Husband pagkatapos magbida nang ilang beses sa mga teleserye ng Kapuso Network.
Maaalalang halos lahat ng proyektong ginagawa nito ay siya ang bida, kung saan una niyang nakatambal si Alden Richards, ang kanyang orihinal na ka-loveteam at nasundan ng Kambal Sirena, kung saan nakasama nito si Aljur Abrenica na na-link sa kanya.
Pero paliwanag naman ng mga taong malapit kay Louise, ilang buwan din namang natengga ang dalaga at walang teleserye, kaya naman daw ng alukin ito ng support role sa My Faithful Husband, hindi na raw ito nagdalawang-isip pa at tinanggap na agad, kaysa naman daw maging choosy, pero walang trabaho.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING