Louise delos Reyes, nasaktan sa mga pasaring ni Kylie Padilla

ADVERTISING

Louise delos Reyes, nasaktan sa mga pasaring ni Kylie Padilla

Louise-delos-ReyesINAMIN NI Louise delos Reyes nasasaktan siya sa mga pasaring ni Kylie Padilla sa kanya. Sadya raw hindi muna siya nagsalita noong kainitan ng isyu about Aljur Abrenica at Kylie break-up at siya raw ang third party involved.

ADVERTISING

Muling pinagdiinan ni Louise na walang katotohanan na siya ang dahilan ng break-up ng dalaga ni Robin Padilla at Aljur. Katunayan ay nagri-reach out daw siya para kay Kylie sa pamamagitan ng mga kasama sa industry at sa mga kaibigan niya.

“I’m trying pero nu’ng time din kasi, closed talaga ‘yung door. Pinalalamig ko at pinagdarasal ko ang lahat. Lahat binibigay ko kay God. In His time maaayos din ang lahat.”

Tungkol naman sa mga patsutsada sa kanya ni Kylie, nirerespeto raw niya kung ‘yun daw ang sinasabi sa kanya ng dalaga ni Robin. Pero di raw niya maitatuwa na may sakit din daw siyang nararamdaman sa mga pasaring sa kanya ng ex-girlfriend ni Aljur.

ADVERTISING

“Masakit din po, tao lang din po ako. Pero, I’m happy rin also na God has given me wisdom to understand things. Na kung mayroong sitwasyon na nagiging ganito. He’s guiding me to the right path. Kung ano ‘yung puwede kong sabihin at kung ano ang puwede ko maging desisyon,” paliwanag ni Louise.

When asked kung saan ngayon sa buhay niya si Aljur?

“He’s a good friend. As a group, lumalabas kami. As a group. Hindi talaga maiiwasan, kasi ‘yung Kambal Sirena talaga. Siguro more than true love, heto ‘yung naging barkada ko talaga. Talagang naging close ko lahat ng cast, staff. Mayroon kaming group sa social media. ‘Yun po ang nagiging communication namin,” say pa ni Louise na medyo tumaba kaya napagkamalang buntis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING