Louise delos Reyes, may attitude problem kaya ‘di na pinagbibida sa serye?

Louise-delos-ReyesHINDI AGAD namin nakilala si Louise delos Reyes nang pinanood namin ang trailer ng My Faithful Husband ng Kapuso Network na magsisimula na ngayong August 10. Parang may nabago sa mukha niya na hindi namin mawari. Baka pinaayos ang ngipin o kaya nagbago lang siya ng hairstyle kaya nanibago kami sa kanyang itsura.

Ikinagulat din namin na supporting role na lang siya kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa bagong primetime show ng GMA. May balita kasi na may attitude problem daw ang dalaga kaya hindi muna binigyan ng solo project ng nasabing network. Kaysa nga naman ma-frozen delight at walang trabaho, tinanggap na rin ng young actress ang soap, kahit supporting lang. Pinabulaanan ni Louise ang mga negative issue na ibinabato laban sa kanya. Wala raw katotohanan ‘yung mga negative na naglalabasan tungkol sa kanya. Ayaw na niyang mapag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yun.

Nagpaliwanag naman si Louise kung bakit tinanggap niya ang soap kahit supporting lang siya. Maganda ang project at magagaling ang mga artistang kasama niya sa show kaya niya ito tinanggap. Gusto rin nitong makatrabaho sina Dennis at Jennylyn. Wala raw siyang nakikitang masama kung supporting role lang siya rito. “Ang importante  magagaling na artista ang kasama ko at Direk Joyce Bernal ang director namin.” Kaysa nga naman wala siyang trabaho. Wala rin kasiguruhan kung kailan ulit siya bibigyan ng solo project ng Kapuso Network.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleTom Rodriguez, masuwerte raw sa pagtatambal nila ni Megan Young sa serye
Next articleWendell Ramos, palaban sa sinalihang serye sa Dos

No posts to display