Louise delos Reyes, kayang harapin si Kylie Padilla anumang oras

ADVERTISING

Louise delos Reyes, kayang harapin si Kylie Padilla anumang oras

Louise-delos-ReyesMARAMI SA showbiz circle ang nagsabing finally, ang pag-deny ni Louise delos Reyes tungkol sa diumano’y siya ang dahilan ng split-up nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ay matatapos na ang isyu.

ADVERTISING

Unfair nga naman for Louise na paratangan siya ng mga nang-iintriga na siya ang “third party” sa relasyong  Aljur-Kylie, samantalang “never” naman daw sila naging mag-on ng Kapuso hunk.

“Naging close lang talaga kami ni Aljur dahil sa Kambal Sirena, tropa kaming lahat doon ng cast,” pagdidiin ni Louise. “Wala kaming relasyon, ‘di rin siya ang dahilan ng break up ng kahit na sino.”

Obvious na pinapatungkulan ni Louise ay ang split up naman nila ng former boyfriend na si Enzo Pineda. “Siguro, may relationships lang talaga na hindi magla-last.”

ADVERTISING

Nakapag-deny man, ayon pa rin kay Louise, never raw silang nagkailangan ni Aljur kahit nagkikita sila sa GMA shows like Sunday All Stars.

“Nakapagsalita na ako once and for all, klaro na, so it’s time to move on. Hindi ako guilty at anytime, makakaharap ako kay Kylie,” sabi niya.

Gusto na lang munang mag-concentrate ni Louise sa kanyang career and currently showing in select SM cinemas this week ay ang Island Dreams kung saan bida si Louise kapartner ang foreigner na si Alexis Petitprez.

Puwede rin ba siyang ma-in love sa foreigner someday?

“Why not? Depende rin sa pagkatao niya… Si Alexis, mabait at gentleman.”

Ang Island Dreams ay isang love story na nanalo ng Gender Sensitivity award noong MMFF 2013, new wave category, at ngayon nga lang nagkaroon ng regular screenings sa SM Manila, Megamall, North Edsa, at Sta Mesa.

Directed by Gino Santos and Aloy Adlawan, kahit na love story ang movie ay wala naman siyang love scene dito.  “Hindi hiningi ng istorya, eh, pero mai-in love ang audience sa journey ng kuwento,” aniya.

Isa si Louise sa mga dapat na alagaang mabuti ng Siyete dahil isa siyang magaling na aktres, and nu’ng tanungin namin siya sa kanyang dream role, ang say nito ay female action roles ang gusto niyang gampanan on the big screen.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING