Louise Delos Reyes, kahit anong mangyari, itutuloy pa rin ang pagiging abogada

Louise Delos Reyes, kahit anong mangyari, itutuloy pa rin ang pagiging abogada

Louise Delos Reyes
Louise Delos Reyes

“Gusto ko sanang mag-Law school, pero masyadong tight ‘yung schedule ko. School will always be there, tingnan natin kung kaya.” Ito ang pahayag ni Louise Delos Reyes kaugnay sa plano nitong kumuha ng Law na balak pagsabayin sana ang pag-aaral at pagte-taping.

Dagdag pa nito, “It has always been my dream. So, hindi ko siya p’wedeng ­i-let go basta basta. Natetengga lang siya for the ­meantime, pero I will pursue it soon!”

Sa ngayon daw ay medyo malabong mapagsabay ni Louise delos Reyes ang pag-aaray at pagte-taping, lalo na’t sunud-sunod ang kanilang taping ng kanyang pinagbibidahang soap na “Magkabilang Mundo” katambal si Jancho Trivino.

Pero ipinangako naman daw nito sa kanyang sarili na kahit anong mangyari, pipilitin niya na makatapos ng Law, dahil ito raw talaga ang kanyang ultimate dream, ang maging abogada.

John’s Point
by John Fontanilla