Louise delos Reyes, iwas na iwas na pag-usapan si Alden Richards para ‘di ma-bash

Louise delos Reyes, iwas na iwas na pag-usapan si Alden Richards para 'di ma-bash

Louise delos Reyes
Louise delos Reyes

Kung si Louise delos Reyes lang daw ang masusunod, ayaw na nitong pag-usapan pa ang kanyang former ka-love team na si Alden Richards sa kanyang mga interview.

Dahil everytime nga na nababanggit niya si Alden Richards, marami ang namba-bash sa kanya at may mga nagkokomento pa na ginagamit niya ang Pambansang Bae.

Kaya naman daw ‘pag may nagtatanong sa kanya patungkol kay Alden, mabilis nitong sinasabi na baka naman puwede na tungkol na lang sa kanya at sa kanyang career ang pag-usapan at ‘wag ‘yung tungkol kay Alden.

At kahit nga may kanya-kanyang ka-love team na sila, okey na okey pa rin naman daw sila ni Alden at walang nabago simula nang magkahiwalay sila bilang magka-love team.

John’s Point
by John Fontanilla