Louise delos Reyes, no comment sa hiwalayang Aljur Abrenica-Kylie Padilla

ADVERTISING

Louise delos Reyes, no comment sa hiwalayang Aljur Abrenica-Kylie Padilla

Louise-delos-ReyesNAGKATOTOO ANG hinala naming puwedeng nagka-debelopan sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes habang ginagawa nila ang fantaseryeng Kambal Sirena ng GMA-7. Sa kanilang mga romantic scene, kapansin-pansin ang physical attraction nila sa isa’t isa. Naramdamin naming may something sa kanila na sila lamang ang nakaaalam nito. Aakalain mo ngang mag-dyowa sa totoong buhay sina Aljur at Louise dahil sobrang effective ang kanilang role bilang magkasintahan.

Kahit alam nating girlfriend ni Aljur si Kylie Padilla at ex-boyfriend naman ni Louise si Enzo Pineda. Pero ngayon pareho na silang malaya sa isa’t isa. Maging ang production staff ng nasabing fantaserye, napansing may kakaibang ikinikilos sina Aljur at Louise na hindi nila maipaliwanag. Totoo raw na sobrang close ang dalawa sa set, para nga raw hindi napapagod sa pagte-taping ang dalawang bida. Ayaw namang bigyang-kulay ng mga nakasasaksi ang pagigng malapit nina Aljur at Louise sa taping.

Nang dahil sa pagiging super close nina Aljur at Louise, hindi na napigilan ni Kylie hindi magselos sa young actress tuwing napapanood niyang may romantic scene si Aljur sa kanyang leading lady. Number one selosa pa naman itong dalagang anak ni Robin Padilla. Kahit ano raw paliwanag at panunuyo ng hunk actor sa dalaga, deadma lang ito at ayaw kausapin si Aljur. May nakapagsabi sa amin, wala pa raw closure ang hiwalayang Aljur at Kylie. May chance pang magkabalikan ang dalawa kung bibigyan nila ng pagkakataon ang isa’t isa.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Kylie, sobra raw itong nasaktan nang may nagsabi sa kanya nagkakamabutihan na raw sina Aljur at Louise. Ayaw magbigay ng comment ang dalagang sirena tungkol sa issue. Mas ginusto nitong manahimik sa pagkaka-link niya sa actor/singer. Kung anuman ang naging pahayag ni Kylie tungkol sa break-up nila ni Aljur. “No comment , ang say ni Louise delos Reyes.” ‘Yun na.

ADVERTISING

 

BONGGACIOUS ANG press launching presentation ng Blue Water Day Spa last Tuesday at Marco Polo Hotel, Ortigas. Fabulous ang kanilang presentation about lifestyle redefined. Introduce nila ang bagong Emans Massage & Brazilian Hands & Foot Massage. Ang hunk actor na si Aljur Abrenica ay isa sa image model nila.

” Thankful ako sa pagpili nila sa akin bilang endorser ng BWDS. After taping, nagpapa-body massage ako. Sobrang relaxing, nakawawala ng pagod sa maghapong taping out of town. Nawawala ‘yung body pain mo sa katawan after mong magpa-machine treatments, body treatment, on the go ka na uli,” say ni Aljur.

This relaxing treatment for hands provides immediate health benefits, such as pain relief from hyperirritable nodules, improved finger and wrist range of motion, enhanced circulation and reduction of trigger points in hand muscle pain and dysfunction. A crystal healing massage on legs with sequential timed holding  pattern on toes for balancing the organs in the body.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING