Louise delos Reyes at Bugoy Cariño, magkapatid na magkarelasyon sa ‘Wanted: Ang Serye’ ni Raffy Tulfo

LALONG magiging intense ang Sabado nights ninyo dahil sa mga drama anthologies na base sa totoong buhay. Kung nasanay na ang mga Pinoy sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN at Magpakailanman ng GMA, may bago na tayong challenger!

Kung fan kayo ni Raffy Tulfo at ng kanyang online show na Raffy Tulfo in Action sa YouTube, mas magiging interesado kayong mapanood ang pagsasadula ng mga kuwentong pinagusapan ng mga netizens.

Louise delos Reyes at Bugoy Cariño, magkapatid na magkarelasyon sa 'Wanted: Ang Serye' ni Raffy Tulfo
Louise delos Reyes and Bugoy Carino in ‘Wanted: Ang Serye’

Hosted by Raffy Tulfo himself, mapapanood na simula ngayong Sabado, January 16 ang bagong drama anthology show ng TV5 na ‘Wanted: Ang Serye’. Si Pokwang ang bida sa opening salvo ng programa kasama sina Louise delos Reyes, Chrome Cosio at ang nagbabalik-showbiz na si Bugoy Cariño.

Isang pasabog na kuwento ang unang offering ng ‘Wanted: Ang Serye’. Gaganap si Pokwang bilang nanay ng dalawang magkapatid na nagkawalay ng matagal na panahon. Dahil sa pananabik ng dalawa, isang bawal na relasyon ang mamumuo sa kanila. Nakakaloka, ‘diba?

Ito ang magsisilbing comeback project ni Bugoy Cariño pagkatapos mag-lielow sa showbiz. Late last year ay inamin na niya sa publiko na siya ay isa nang ganap na ama.

Sa trailer pa lang ay siguradong nakakaiyak at masikip sa dibdib ang kuwentong ito.

Sa mga susunod ng episodes ng bagong programa ni Raffy Tulfo ay mapapanood naman natin ang ilan sa magagaling na artista ng Pilipinas tulad nina Kim Molina, Ruby Ruiz, Mickey Ferriols, Max Eigenmann, Luis Alandy, Alex Castro, Epy Quizon at Ritz Azul. Exciting!