Louise Delos Reyes, 7 buwan nang nakatengga sa Siyete

Louise Delos Reyes, 7 buwan nang nakatengga sa Siyete

Louise-delos-ReyesSEVEN MONTHS na palang walang ginagawang teleserye ang isa sa mahusay na teen actress ng Kapuso Network na si Louise Delos Reyes, dahil after Kambal Sirena ay wala pa rin pala itong next show sa GMA 7.
Mabuti na lang daw at regular ito sa Sunday All Star at may mangilan-ngilang guestings sa Kapuso Networks, at kahit papaano ay meron pa rin siyang kita lalo na ngayong magpa-Pasko.
Wish nga raw nito sa Kapaskuhan ay magkaroon na siya ng bagong soap sa 2015 para naman daw maging maganda ang pasok ng bagong taon sa kanya.

Persida-AcostaPAO Chief Atty. Persida Acosta, ginawang merry ang Christmas ng entertainment press!

TUNAY NA talagang Darling of the Press ang PAO Chief na si Atty. Percida Acosta dahil na rin sa pagmamahal at pagpapahalaga nito sa entertainment press.
Kaya naman sa kanyang Press-Mas Party ay talaga namang hindi umuwing luhaan ang mga kapatid sa panulat na lagpas tenga ang ngiti sa blessings na bigay ni Atty. Acosta.
Kaya naman patuloy na umaagos ang blessings sa mabait, matapang, masipag at walang inuurungang attorney, kapag alam niyang nasa tama ang ipinaglalaban, dahil na rin sa pagiging generous nito.
Kaya naman suportado ng mga kapatid sa panulat si Atty. Persida sa kanyang laban sa mga kasong kanyang hinahawakan mula sa Sulpicio Lines cases, Bonita Baran case, JIL members case, at Cadet Cudia case.

Sheryl-CruzHit song ni Sheryl Cruz, may dance version na

BUSY AS a bee ngayon ang mahusay na singer-actress na si Ms. Sheryl Cruz dahil bukod sa kanyang taping ng Strawberry Lane, busy rin ito sa pagpo-promote ng kanyang album, kung saan nakapaloob dito ang kanyang hit song na “Mananatili” na laging pinatutugtog sa iba’t ibang radio station sa bansa.
And speaking of “Mananatili”, magkakaroon na pala ito ng dance version na malapit-lapit na ring mapakinggan ng Pinoy music lovers at sa mga solid at loyal na supporters ni Ms. Sheryl.

John’s Point
by John Fontanilla