Louise de Los Reyes, ‘di matanggap na ampon lang siya

Louise de Los Reyes, ‘di matanggap na ampon lang siya

Louise-delos-ReyesPINAG-UUSAPAN SA GMA 7 nu’ng kamakalawa lang ang tungkol sa isyung ampon daw pala itong si Louise delos Reyes.

Sa totoo lang, matagal na ‘yang isyung ‘yan sa Kapuso young actress, pero talagang pinanindigan ni Louise na hindi  totoo ‘yan.

Pero lumitaw itong babaeng nagpakilalang siya ang tunay na ina ni  Louise. Detalyado ang kuwento niya kung paano raw napunta sa magulang na kinalakihan ng young actress.

Kahapon yata ipinakita sa 24 Oras ang pagtatagpo ng dalawa, na dinig ko parang hindi pa matanggap ng young actress ang buong kuwento.

Hindi na kasi bago ang ganu’ng kuwento. Kapag sumisikat na ang isang artista, may mga lumalapit sa media na nagpapakilalang sila raw ang tunay na magulang nito.

Lalo na kapag malamang ampon pala itong artista, ang daming magpipiprisintang sila raw ang tunay na magulang.

Itong kuwento ni Louise, parang marami ang naniniwala. Kasi kung itabi mo siya sa magulang niya, at kahit sa kapatid, parang ang layo ng itsura.

Tapos, may isyu pa dati na sinasaktan daw si Louise ng mommy niya kaya nga nagkahiwalay din sila ni Enzo Pineda dahil nga sa pangingialam ng nanay, ‘di ba?

Inaalam din ng Startalk ang buong kuwentong ito. Abangan n’yo na lang sa Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis