Lotlot de Leon, bigyan daw ng karampatang respeto ang inang si Nora Aunor

ADVERTISING

Lotlot de Leon, bigyan daw ng karampatang respeto ang inang si Nora Aunor

Lotlot-de-LeonNANINIWALA SI Lotlot de Leon na posibleng miscommunication lang ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang paglipad ni Nora Aunor papuntang France para um-attend sa 68th Cannes Interational Film Festival. Kahit nasa airport na that time (May 19) ang Superstar, ‘di pa rin siya tumuloy sa eroplano dahil nasa economy ang kanyang upuan, gayong ‘yung ibang staff ni Direk Brillante Mendoza ay nasa business class.

“Siguro hindi lang nagkaintindihan,” sabi ni Lotlot. “Pero alam kong maaayos din ‘yan. Pang-ilang movie na ni Mommy ‘yan kay Direk Brillante at hindi naman siya uulit na gumawa ng pelikula kay Direk kung nagkaproblema siya dati,” sey pa niya.

Pero iginiit ni Lotlot na dapat daw ibigay rin sa mom niya ang respetong nararapat para rito. “Oo, importante rin talaga ang respeto. Dapat ibinigay rin nila ‘yung respeto sa mommy ko. Kasi ‘yung mga achievements niya naman, hindi naman ‘yon para sa kanya lang, eh. Para rin sa atin ‘yon at sa bansa natin. Kumbaga, respeto lang,” pahayag pa niya.

Samantala, isa si Lotlot sa cast ng My Mother’s Secret na bagong teleserye ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING