Hulicam: Lost Angel!

ADVERTISING

Nakapanghihinayang naman ang beauty nitong si Angel Locsin. Ang chika nga kasi, break na umano sila ng dyowang si Luis Manzano! Kumusta naman ‘yon? ‘Di nga ba’t super-sweet ang dalawang ito, hinuhulaan pa nga ng marami na si Angel na ang babaeng puwedeng pakasalan ng anak ni Gov. Vilma Santos? Ano ba talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

Nang maispatan nga ng ating kamerang-gala itong si Angel sa concert ni Lady Gaga sa Araneta Coliseum noong August 11, eh, hindi nito kasama si Papa Luis. Magkahiwalay na ba sila noon? Balita kasi, almost two weeks nang break ang dalawa. Hmm… count your fingers na lang, mga kaparazzi!

PARAZZI WIRES PHOTOS

ADVERTISING