Lorna Tolentino, wala pang offer na teleserye sa Dos

Lorna Tolentino, wala pang offer na teleserye sa Dos

Lorna-TolentinoANG GANDA ni Miss LT nang makita namin siya sa press launch ng pelikulang Crazy Beautiful You ng Star Cinema a couple of weeks ago. Palaging naka-all smile kapag nakasasalubong mo siya.

Wala yatang negative moods ang aktres, kumpara sa ilan na bukod sa may mga attitude ay nagmamaganda gayong ang ganda ay hindi naman 100% natural. In short, “salamat sa doctor”, ‘ika nga.

Pero si LT always smiling. Siguro ito marahil ang pampa-good vibes niya na sa bawat tao na nakasasalubuong niya sa araw-araw, nakapagpapatawid siya ng magandang energy.

Sayang, one movie lang pala itong Crazy Beautiful You na ginawa iya. Akala ko nga, lilipat na siya sa ABS-CBN dahil nasimulan na ng isang peikula, like this one, kung saan she plays mom to bratty Kathryn Bernardo sa movie.

“Ito lang. Wala pang offer na teleserye,” maikling sagot niya sa amin nang makasalubong namin siya sa pasilyo ng Dolphy’s Theater after the press launch.

Sa ngayon, happy si LT bilang lola ng nag-iisang apo niya. Sipag nga niyang mag-post ng mga selfie photos niya sa Facebook at Instagram kasama ang apo. “I’m happy ang a contended lola,” pagmamalaki ni Ms. LT.

Sa ngayon, nasanay na siya bilang balo ng aktor na si Rudy Fernandez. Alam ko, sa mga mata ni LT, kahit nakangiti ito, may lamlam pa rin ng pagka-miss niya sa nawalay na asawa.

Si Daboy, alam ko mahal na mahal ni LT noong nabubuhay pa ito. Hindi man kami saksi nang personal kung papaano alagaan ni LT ang mister noong malubha na ang karamdaman nito, ang mga kuwento ng mga kaibigan nila ay patunay lang ang sakriepisyo ng aktres sa mga huling araw ng kanyang pinakamamahal na ‘Daboy’.

We wish LT happiness.

Reyted K
By RK VillaCorta