Lorna Tolentino, pinipigilan ng mga anak na muliung mag-asawa

Lorna Tolentino, pinipigilan ng mga anak na muliung mag-asawa

Lorna-TolentinoPURO PAGBUNGISNGIS na lang ng tawa ang kayang gawin ni Lorna Tolentino kapag tinatanong siya kung kailan ba ulit sa tingin niya siya papasok sa isang bagong pakikipagrelasyon pagkatapos ng ilang taon niyang pagkabiyuda dahil sa pagyao ng kanyang husband na si Rudy Fernandez. Alam naman kasi ng kanyang mga kaibigan na hindi na niya pinag-iisipan ang tungkol sa muling pagpasok sa pakikipagrelasyon at muling pag-aasawa kung siya ang tatanungin.

“Bahala na. Kasi hindi naman talaga natin alam kung ano ang puwedeng mangyari,” wika ni Lorna nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon ng pelikulang Crazy Beautiful You ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, kasama rin si Gabby Concepcion.

“Pero kung ‘yung sobrang tututukan na pag-usapan at pag-isipan ang tungkol d’yan, medyo wala talaga.  Lalo na sa ngayon na mayroon na akong apo, roon nanggagaling ang bagong saya na nararamdaman ko ngayon na nanggagaling pa rin sa pamilya.”

Ramdam din ni Lorna na hindi pabor ang dalawa niyang anak na lalaki kung muli siyang mag-aasawa. “Bilang Mommy nila, siyempre’y nararamdaman ko iyon. Bukod sa ‘yung dalawa kong anak ay sobrang malapit sa daddy nila nu’ng nabubuhay pa si Rudy. Iyon siguro, kaya talagang hindi sila kumportable na mangyari o isiping baka mag-asawa ulit ako,” banggit pa ni LT.

ChorBA!
by Melchor Bautista