Lorna Tolentino, inisnab ang 50 euro na nakita sa daan!

ADVERTISING

Lorna Tolentino, inisnab ang 50 euro na nakita sa daan!

Lorna Tolentino, inisnab ang 50 euro na nakita sa daan!KUWENTO ITO ng kaibigang Gorgy Rula who just arrived from their French trip kasama sina Lorna Tolentino, dalawang anak nito at Lolit Solis.

Tungkol kay Ms. LT ang anekdota who, while enjoying the Parisian sight, chanced upon a 50 euro-bill on the ground.  Wala lang, dedma ang aktres sa nakitang pera na mahigit P3,000K din ang katumbas.

Maya-maya pa, a French woman who also saw the bill stepped on it, at kunwari’y binubutingting ang kanyang bag. Nakamasid lang si Ms. LT waiting for the woman’s next predictable  move.

Keber kung alam daw ng babaeng merong mga matang nakatitig sa kanya, nang hindi na makatiis ay pinulot na nito ang pera.

ADVERTISING

May nagbiro tuloy sa aktres kung bakit hindi siya ang pumulot gayong siya naman ang unang nakakita nu’n. Sagot ni Ms. LT, “Bakit ko naman pupulutin, eh, hindi naman akin ‘yon? At saka kanino ko naman ‘yon isosoli sa dami ng taong naglakad du’n? Hamo na.”

Atta girl!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING