Lorna Tolentino, hanggang pelikula at guesting lang muna sa Dos

Lorna Tolentino, hanggang pelikula at guesting lang muna sa Dos

Lorna-TolentinoHANGGANG SA paggawa lang daw muna ng pelikula si Ms. Lorna Tolentino sa ABS-CBN, ito ang isinagot sa amin ng kanyang manager na si Lolit Solis sa tanong kung bakit wala pang soap ang aktres sa nasabing istasyon.

“Tinanggap ni LT ‘yung KathNiel movie kasi ‘yun lang muna ang gusto niyang gawin, at saka mga guesting-guesting na two to three days ang taping. Hindi niya muna feel ang regular soap, napagod daw kasi siya (referring sa magkakasunod niyang soap before her return to ABS-CBN),” paliwanag ni ‘Nay Lolit.

Hirit pa ng manager, “Ever since, ganu’n naman ako sa mga alaga ko, eh. Hindi ko sila pinipilit kung ayaw muna nilang tumanggap ng trabaho. I always allow them to work at their own pace, pero ‘pag maganda talaga ang project at nakapanghihinayang pakawalan, ine-explain ko kung bakit kailangan naming oohan ‘yon.”

Exception to the rule daw ang kaso ng isa pa niyang alaga, si Lani Mercado, na may guaranteed contract sa GMA. “‘Di ba, tapos na ‘yung isa niyang soap, so supposed to be, magte-taping siya for Magpakailanman. Kaso, nangyari naman ‘yung kay Jolo. Siyempre, pamilya muna. Mahirap nga namang mag-focus sa trabaho nang may iniisip ka. Si Lani na rin ang nag-beg off.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III