Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez, may mga kundisyon bago tinanggap ang alok ng TV5!

ADVERTISING

Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez, may mga kundisyon bago tinanggap ang alok ng TV5!

Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez, may mga kundisyon bago tinanggap ang alok ng TV5!INAAYOS NA NGAYON ng TV5 ang drama series na gagawin nila para kay Lorna Tolentino.

ADVERTISING

Kasama rin dito ang isa ko pang alagang si Tonton Gutierrez na ngayon pa lang ay sinasabi na niya sa aking mga light role lang daw ang gagampanan niya. Ayaw na raw niya ng sobrang heavy dahil napagod daw siya nang husto sa ginawa niya sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Minsan nga, napag-usapan namin, kinukumbinsi ko siyang bumili na ng bahay dahil nakapag-ipon na rin naman siya. Puwede na niyang iutang sa bangko ang iba, ‘di ba?

Naku ayaw niya dahil ayaw daw niyang ma-stress pa nang husto. Nakaka-pressure daw ang may utang kaya okay na sa kanya ang bahay niya ngayon, kahit lumalaki na ang anak nilang si Aneeza at magkakaroon na sila ng panibagong baby.

ADVERTISING

Kaya nga raw pati sa mga role na ginagampanan niya ay gusto na rin niya ‘yung magaan lang kahit support lang dahil  sa edad daw niyang ‘yun, dapat wala nang pressure o stress at baka maging sanhi pa iyan ng Cancer, ‘di ba? May point naman ang hitad kaya hinayaan ko na lang.

Ang isa pang gusto niya, mahirap ang role para hindi na siya mamumroblema ng susuotin. Kaya ‘yun ang mga kundisyones niya bago nito tinanggap ang offer ng TV5.

Si Lorna naman ay gusto niya mabasa muna ang script. Mag-usap daw muna sila ng direktor na si Eric Quizon para alam niya kung ano ang takbo ng kuwento at kung ano ang significance sa kuwento ng role na ginagampanan niya.

Ganyan na ngayon ang drama nila pagkatapos ng napakabigat at in fairness, maganda namang teleserye nila sa ABS-CBN 2 na Minsan Lang Kita Iibigin.

Medyo madugo raw itong bagong series na gagawin sa TV5 na may tentative title na Glamorosa kaya pinaghahandaan nila ito nang husto at pinag-aaralan ang bawat karakter sa kuwento.

Hindi naman hinahangad ni Lorna na maging kasing-ganda ng huli niyang ginawang Minsan. Pero sana maganda naman at kapani-paniwala ang kuwento.

 

DAGSA ANG MGA Kapuso stars sa ginanap na World Press Tour ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Ginawa ito sa Quirino grandstand at punung-puno ito ng mga tao. Nagkaroon sila ng Oath of Sportsmanship na sinaksihan ni Bob Arum siyempre.

Doon na rin sa Quirino ginanap ang Manny, Many Prizes at marami silang mga taong pinasaya dahil bumaha na naman ang mga regalo at datung na ipinamudmod ni Ninong Manny.

Pagkatapos ng promo tour nila rito sa Pilipinas, sa Los Angeles, California daw ang susunod nila, at sa Mexico na teritoryo naman ni Marquez.

Sa totoo lang, kahit doon sa Mexico ay marami pa ring fans si Pacquiao kaya ramdam ko na namang lyamadong-lyamado ang ating Pambansang Kamao.

m�; 0p�c��:�ight: normal’>OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka ng yours truly at talaga namang hindi mo alam kung kaiinggitan ka ng mga taong walang magawa at ‘di mo alam kung bakit ganu’n ka na lang plastikin. Anyway, ayokong masira ang Monday blues ko, alam n’yo na kung ano ang mga tinutukoy ko, dahil wala naman akong nagawa sa kanila… hahaha!

 

Kaya naman, don’t make your Monday a blue Monday dahil ang mga chika na talaga naman, nasa sa inyo na ‘yun kung ano naman ang magiging reaksyon n’yo!!!

Kumustahin naman natin ang naging relasyon dati ng mag-dyowang si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia at mawiwindang ka sa mga naging eksena nila sa mga chikka. At in fairness naman ngayon kay Jennylyn, kung kani-kanino naman talaga siya nali-link after the isyu nila ni Patrick, at nagyon ay nararamdaman naman ng mga kaparazzi natin na posibleng magkabalikan ang dalawa. Kasi pumayag na si Jennylyn na gamitin na ang surname ni Patrick.

At naku in fairness naman sa kanila, sweet na sweet silang dalawa kapag nagkikita sila. Naku, kaya lang ang matutuwa rito ay si Alex Jazz, kung totoong magkakabalikan ang dalawa.

Malamang kasi, hindi pa rin naman nagpapahayag si Jen na may something sila ni Luis Manzano. Kaya lang siyempre, nu’ng unang isyu nila ay parang hindi tanggap ni Patrick ang bata, pero siyempre hindi dapat ma-involve ang bata rito sa kani-lang dalawa.

At siyempre, pag-usapan na lang nila nang maayos ngayon. Ang sabi naman ni Patrick, forgive and forget na raw ang mga naging eksena nila, kaya naman talagang masasabi mo naman talaga na may posibilidad silang magkabalikan dahil nagkakamabutihan sila ngayon ni Jennylyn. Siyempre hindi mo rin siguro maiiwasan, kasi nga tatay rin naman ng anak niya ‘yun at walang imposible…

Malamang, mga kaparazzi, antay-antayin na lang natin kung ano ang magiging resulta ng pagkaka-mabutihan nila ngayon?

AT HETO NAMAN ang mga chikka natin ngayon na talaga namang hindi na rin mawawala ang tampo ngayon ni Sharon Cuneta kay Aga Muhlach, at parang may laman talaga ang mga sinasabi niya kay Aga na kahit naman siguro sinasabi niyang wala siyang tampo, pero para talagang meron pa.

Naku naman, ano naman kaya ang resulta nito. Kaplastikan lang kaya o talaga namang kaya may something, haha! Pero siguro naman, talaga namang mabigat ang naging puno’t dulo ng tampo ni Ate Shawie kaya hindi natin masisi ang mga eksena…

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman itong aktor na ito na talaga namang napakaguwapo, kaya naman sinasabi ko nga noon na wala nang lalaki sa mundo kung magiging ‘di tiyak itong aktor na ito?

Naku, ‘te… hindi ko rin lubos-maisip kung trulili. Pero mapapatunayan naman natin ‘yan dahil ang aking mga kaparaz-zing bading ay na-sight ito sa mga gay bar na talaga namang lumadlad. Hindi lang basta-basta gay bar iyon, tambayan rin naman talaga ng mga pa-mhin ‘yun. Hahaha! Ano’ng say n’yo? True o wit? Hahaha! Abangan na lang natin, te… lumadlad na lang siya o wit?

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING