THE LONG WAIT IS OVER: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ikakasal na!

ADVERTISING

THE LONG WAIT IS OVER: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ikakasal na!

THE LONG WAIT IS OVER: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ikakasal na!
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

HABANG isinusulat namin ang item na ito ay wala pa rin kumpirmasyon sa mga taong involved tungkol sa kasalukuyang estado nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kung marunong ka mag-interpret ng mga ipino-post ni Ellen na mga pictures sa social media, sasabihin mo na ang kutob mo at  hinala ay totoo.

Maging ang mga malalapit na mga kaibigan ng dalawa, tikom ang bibig na maging ang isyu na buntis diumano si Ellen, puro lang haka-haka na walang kumpirmasyon or a photo posted na lumulobo na ang tiyan ng partner ni Lloydie at malapit na siya magingdaddy.

Pero ang latest while the public is waiting for the final confirmation from the people concern, heto’t may paghahanda na pala na kasalan between Lloydie and  Ellen kung paniniwalaan natin ang tsika ni Ate Lolit (Lolit Solis for you).

ADVERTISING

Sinulat kasi ni Ate Lolit sa kanyang Instagram account ang tungkol sa nabalitaan niyang kasalan ng dalawa.

Pagpo-post ng writer-talent manager: “May taga-Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February.

Kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag-Christmas at New Year si John Lloyd.”

THE LONG WAIT IS OVER: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ikakasal na!
John Lloyd Cruz with Ellen Adarna’s Family

Dagdag niya sa kanyang kuwento: “Among major sponsors daw sina Dr. Cuanang ng St. Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo, tatay ni Roman at Mons,” kung saan ang anak ng dating Sec. Bert Romulo na si Erwin ay malapit na kaibigan ni Lloydie.

Reaksyon ni Ate Lolit sa pagmamahalan ng aktor at t ni Ellen: ”Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen. So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love.

“Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya. Hay happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga,” pagse-share ni Ate Lolit sa kanyang IG.

Wala man diretsahang kumpirmasyon sina Lloydie at Ellen tungkol sa pagpapamahalan nila na sa mga photos na lang nasusundan ng mga fans nila, sa isang comment ni Ellen sa IG in the local dialect in (Cebuano): “Di ba??? Hahaha kinsay nag too na ma kami diay lol.” (Di ba? Hahaha sinong mag-aakala na magiging kami lol.)”

For Lloydie and Ellen, tsika man or true ang balitang kasalan ay binabati ko kayo ng Congratulations and Best Wishes.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING