LOLO NA SI YORME ISKO! Joaquin Domagoso nakabuntis, 2 buwan na ang baby boy sa GF

Leo Bukas

NAKABUNTIS ang anak ni former Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Si Joaquin, 20 years old ay isang aspiring actor at panganay na anak ni Isko.

Ayon kay Tita Cristy Fermin sa kanyang radio program na Cristy Ferminute ay isa na ngang ganap na lolo si Yorme.

LOLO NA SI YORME ISKO! Joaquin Domagoso nakabuntis, 2 buwan na ang baby boy sa GF
Joaquin Domagoso

“Lolo na po si Mayor Isko Moreno. Dahil po sa lumabas na kuwento nung kasagsagan ng kampanya hanggang eleksyon na hindi po nila kinontra at hindi rin po sinang-ayunan,” panimula ng beteranong entertainment writer at host.

“Heto po, ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni mayor. Batang lalaki na pinangalanan nilang Scott. Alam mo ba kung anong tawag kay mayor sa Tondo ng mga kapitbahay niya Iskat parang Iska. Nakakatuwa lolo na si Yorme,” dagdag pa niya.

Si Joaquin ay mina-manage ni Wowie Roxas na long time manager na rin ni Isko. Bumida na rin sa pelikulang Caught in the Act si Joaquin kasama ang former PBB housemate na si Andi Abaya.

Ayon pa sa source, pinagbuhusan ng panahon ni Joaquin na tutukan ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend kaya hindi muna nito itinuloy ang kanyang showbiz plans. Sa ngayon ay dalawang buwan na ang anak nina Joaquin at ng GF niya.

“Napa-cute raw po ng baby ni Joaquin Domagoso ang tambok-tsmbok ng pisngi, ang taas ng ilong at ang guwapo-guwapo.

“Ngayon kung tatanungin ninyo po kami kung sino ang mommy ng baby, hayaan na lang po natin na ang magsabi nito ay si Joaquin kapag nagbigay siya ng pahayag. Pero alam din po namin siyempre ang pangalan ng babae, artista rin naman ito, eh, di ba?” sabi pa ni Tita Cristy.

Matatandaang nasa kasagsagan ng kampanya ni Isko na noon ay tumatakbo bilang presidente ng bansa nang lumabas ang balitang magiging lolo siya. Hindi itinanggi ng kanilang kampo ang tungkol dito pero hindi rin naman nila tahasang kinumpirma.

“Busy na kasi sila noon ‘Nay sa pangangampanya,,” sundot naman ng co-host ni Tita Cristy sa show na si Romel Chika.

“Pero alam mo ang laking bagay no’n na hindi sila nagsalita, kapag wala kang kinontra, wala kang babawiin kapag totoo pala. Hindi sila ngayon maghahabol na ang pagdi-deny nila ay ipagtatanggol nila, di ba? Maganda yung ganu’n,” lahad naman ni Tita Cristy.

“Kaya sa lahat na ganito ang kaso, huwag na po kayong magde-deny para kapag dumating ika nga ang paghuhukom wala kayong babawiin,” paalala pa niya.

Dugtong ulit ng kolumnista, “Oo, batang ama si JV, pero responsableng batang ama kasi pinanindigan niya ang pagdadalang tao ng kanyang karelasyon at binigyan niya ng pangalan ang kanilang baby.”

Samantala, si Rafa na anak ng dating Star Magic artist na si Diego Castro ang girlfriend at ina panganay ni Joaquin at unang apo ni Yorme.

Previous articleVLOG WATCH: Ordering Everything on the Menu Challenge (Tropical Hot version) ni Angeline Quinto!
Next articleMarian Rivera at Rhea Tan ng Beautederm Corp. malalim ang pinagsamahan!