Lolo at lola ni Jake Cuenca, nagulantang sa ‘sobrang’ bold ng aktor!

ADVERTISING

Lolo at lola ni Jake Cuenca, nagulantang sa ‘sobrang’ bold ng aktor!

Lolo at lola ni Jake Cuenca, nagulantang sa ‘sobrang’ bold ng aktor!SA GALA premiere ng pelikulang Nuwebe ni Jake Cuenca sa CCP last week, laking gulat ng lolo at lola niya sa mga eksena niya sa pelikula.  Hindi nila inaasahan na ganu’n kapangahas ng apo nila bilang isang aktor.

Alam ng lola niya na isang sexy actor si Jake, pero hindi nila inaasahan na ganu’n ka-“bold” ang ginawa ng apo nila sa pelikula. Ang lolo ni Jake ay walang iba kundi ang dating MTRCB Chairman Manoling Morato na kapatid ng lola niya. Si Manoling, lolo ni Jake sa lola niya.

Sa opening scene pa lang, may masturbation scene na ang aktor sa loob ng shower Lolo at lola ni Jake Cuenca, nagulantang sa ‘sobrang’ bold ng aktor!room.

Sa pelikula na tumatalakay sa isang nine years old na bata na ni-rape ng tatay niya (na ginagampanan ni Jake), dalawang beses nagkaroon ng ganu’ng eksena ang aktor. Ang pangalawang masturbation niya ay nangyari sa loob ng bahay-kubo nila habang pinapantasya ang hawak-hawak na litrato ng misis niya, na kung type mo ang aktor, mag-iilusyon ka sa kanya.

ADVERTISING

Sa estado ngayon ng aktor, naitawid na rin nya ang dating sexy-hunk image na siyang pino-portray niya sa kanyang previous projects lalo na sa kanyang pagiging isa sa image model ng Bench na walang patumangang magpaseksi in his bikini trunks during the big fashion shows at sa previous Cosmo Bachelor events, ang super kaseksihan ni Jake ang bumabalandra showing off his butt.

Matapos ang ilang mga eksenang daring sa kanyang career, at least dahan-dahan nagiging seryoso at mapili na ang aktor sa kanyang projects.

Kuwento nga ng manager niyang si Niel de Guia, hirap silang maisingit ang ilang bagong hinihinging appointments tulad ng pictorial at interviews lalo pa’t fully-booked ang activities ni Jake hanggang January of 2014.

Matapos ang Nuwebe for Cinemalaya na nagtapos kahapon (Sunday); magiging busy ang aktor sa bagong teleserye niya sa Kapamilya Network with Jessy Mendiola, bukod sa nalalapit na promotion ng bago niyang pelikula under Joel Lamangan, ang Lihis, that deals with gay relationship sa loob ng kilusang New People’s Army (NPA).

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING