Lolit Solis, walang balak um-attend sa reception ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Lolit Solis, walang balak um-attend sa reception ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Lolit-SolisAT THE pantry sa Studio 6 ng Startalk last Saturday ay buong pagmamalaking umentra si Bong Lazo, ang nagdadamit linggu-linggo kay Lolit Solis, bitbit ang violet blouse and pants na siyang isusuot ng TV host-manager sa December 30 wedding ni Dingdong Dantes sa kanyang nobyang aktres.

Kabilang si ‘Nay Lolit sa sanrekwang principal sponsors, being one of the closest to the celebrity couple.

It took Bong a week daw to finish the bead work sa bandang kuwelyo ng blusa at sa magkabilang manggas nito. Violet pala ang color motif ng kasalan ng altar date that will culminate at a reception at the SM Mall of Asia.

Ito’y kung saan nirentahan ng would-be couple ang isang area roon to accommodate their fans.

Sa pagbibida ni ‘Nay Lolit ng kanyang irarampang outfit, nagbiro siyang baka hanggang simbahan lang daw sa Cubao siya aapir, “Ang layu-layo ng MOA, ‘no! At ang laki-laki pa! Sa layo nu’n, pag-uwi mo ng bahay (she lives in Fairview, Quezon City), gutom ka na rin!”

‘Nay Lolit also stood as ninang sa kasal ng ABS-CBN executive na si Ms. Linggit Tan, kung saan sa Maynila idinaos ang seremonya pero sa Lobo, Batangas naman ang reception. “Sa totoo lang, sinipot ko ‘yon kasi kokonti lang kaming mga ninong at ninang.”

Kunsabagay, sa rami ba naman ng mga ninong at ninang sa kasal ni Dingdong at ng kanyang dyowa, idagdag pa ang kanilang mga fans, ‘Nay Lolit’s conspicuous absence at the reception will go unnoticed.

 

ABANGAN BUKAS sa Startalk ang ikalawang sultada ng bagong segment ni Joey de Leon which he aptly titled H.O.T. which stands for Hanga O Taga.

Himself as the composer and singer, Tito Joey scored a successful launch nito sa nakaraang sa November 22 episode nito. Kilalang kompositor si Tito Joey that in a jiffy, he can scribble words and presto, isa na siyang awitin!

In his Startalk segment, nilapatan niya ng mga letra ang kantang Sta. Clara Pinung-pino giving the song a peek into the hot(test) showbiz news. Bilang initial salvo nga, “pinagtripan” ni Tito Joey si Ai-Ai de las Alas—who like Mommy Dionesia and Madame Auring—is also a cougar (older women who go for younger men as boyfriends).

In another stanza, Tito Joey picked on the pregnant Cristine Reyes na tulad ng kanyang ate Ara Mina is also heavy with a child.

What gives the song (that changes week after week performed live with the accompaniment of a piano) a different twist ay ang pasundut-sundot na reaksiyon ng live audience based on the showbiz issue. May partisipasyon din ang audience sa parteng chorus where they can dance to it.

Bukas, papaksain naman ni Tito Joey ang tungkol sa ikakasal na si Heart Evangelista at sa isa ring aktres. Will Tito Joey add fuel to the fire para lalo pang pag-awayin ang dalawang aktres?

 

ANOTHER EXCITING episode awaits the viewers of this Sunday’s episode of Ismolf Family. Ito’y kung saan Mama Chenna is back! And she’s back with a vengeance. Here she comes para kunin ang kanyang tatlong apo!

Dahil sa nabigla si Jingo sa paglabas ng triplets, may mga nagawa siyang maling desisyon.

As the story progresses, hindi maiiwasang itanong kung matutuluyan na bang magpaalam ang pamilya Ismol sa bahay ni Mama A? Ano ang magiging reaction ni Mama A kapag kinuha ang kanyang tatlong anghel?

Papayag ba si Majay o tuluyan na silang maghihiwalay? Hindi kaya magkaroon ng post-natal condition si Majay o baka naman si Jingo?

No doubt, action-packed ang episode ngayong Linggo sa Ismol Family as the viewers are treated to the battle of the in-laws and the battle between Majay and Jingo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III