Lolit Solis, umalma sa rason ng TV5 sa pag-stop airing ng show ni Lorna Tolentino

ADVERTISING

Lolit Solis, umalma sa rason ng TV5 sa pag-stop airing ng show ni Lorna Tolentino

Lolit-SolisNOW WE know the reason why nag-stop airing ang Misterless Misis ng TV5 gayong umere na ang first two episodes nito: napangitan daw ang mga bossing sa palabas.

ADVERTISING

Dito na hindi napigilan ni Lolit Solis, manager ni Lorna Tolentino (who’s in the cast), na umalma, “Tanggap ko naman na nangyayari talaga ‘yung nai-tape na’t lahat, tapos, sasabihing ‘hindi pala maganda, i-reshoot natin.’ Ang hindi ko matanggap, umere na ‘yung palabas, saka lang sasabihing hindi maganda! Bakit hindi n’yo muna pinanood bago iniere, wala kayong time dahil busy kayo?”

Things like that happen even in ABS-CBN. Ani ‘Nay Lolit, “Sa ABS-CBN, bayad ang serbisyo mo ke matuloy o hindi ang airing. Kung hindi man sila magandahan, sasabihin nila ‘yon sa ‘yo ahead of time para mai-reshoot. Nangyari na ‘yan sa isa kong alaga, nag-tape na siya, kaso nu’ng panoorin ng mga bossing, ang sabi nila, mas bagay raw ‘yung role ng alaga ko du’n sa isa. Okey lang daw ba sa akin kung mag-switch sila ng roles? Sabi ko, okey lang, bayad naman ‘yon, eh.”

Kabilang din si Gelli de Belen sa cast ng MM, but like ‘Nay Lolit na ayaw nang pasiputin si Ms. LT ‘pag nag-resume ang taping nito, tila ang Backroom, Inc. won’t also allow Gelli to report back to the set.

ADVERTISING

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING