Lolit Solis, may tampo kay Dingdong Dantes by Ronnie Carasco

NGITI NG PAG-AMIN ang rumehistro sa mukha ni Lolit Solis nang tanungin siya kung totoong  may tampuhan sila ni Dingdong Dantes.

Matatandaan na nagsimula ang business relationship nila nang kuning head publicist ng actor and TV host-manager, the latter was even on top of Dingdong’s Christmas party for the press.

May kunek din si ‘Nay Lolit sa career ng rumored (?) sweetheart ni Dingdong na si Marian Rivera nang maatasan ito ng GMA Artist Center na magsagawa ng damage control sa kasagsagan ng pagiging nega noon ng aktres.

As for the tampuhan between ‘Nay Lolit and Dingdong, na-hurt daw ang una nang harangin umano ni Dingdong ang pagkakasama ng kanyang alagang si Mark Herras sa fantaserye ni Marian. Mark’s supposed role that his manager had persistently fought for, eventually landed on Alfred Vargas’s lap.

“Siyempre, mag-ex nga naman sina Mark at Marian kaya nga biglang nasyokot-syokot ang Dingdong. Any moment nga naman, eh, gapang-gapangin ni Mark si Marian,” say ng nakaismid na manager.

BASED ON THE Metro Manila and Megamanila ratings ng mga nakaraang weekdend showbiz talk shows, The Buzz’s figures (18.4%)  shot through the roof, pumangalawa lang ang Startalk with a marginal difference, samantalang nag-single digit ang Showbiz Central.

Ako man had the gut feel na ilalampaso ng The Buzz ang kanilang mga kalaban sa paghahatid ng mga balitang may kinalaman sa namayapang dating  Pangulong Cory Aquino (whose remains were finally laid to rest yesterday at the Manila Memorial Park).

Surely, baka sa nationwide ratings ay higit pa sa porsiyentong ‘yon ng audience  share ang nakopo ng The Buzz, owing it to Boy Abunda’s exclusive interview with Kris Aquino. Hindi sasapat ang mga salita para ilarawan kung gaano kaganda iyon.

Sabi nga ni ‘Nay Lolit na minsang naging manager ni Kris, “Du’n lang ako napaiyak ni Kris, hindi noong mga panahong alaga ko pa siya at nagkukuwento siya ng mga problema niya sa akin. I was crying with her.” I believed it was a collective feeling: personally, nakiiyak, nakisinga, sinipon at bahagyang namaga ang mga  mata ko tulad ni Kris. Hindi ko lang siya basta naramdaman, I felt I was Kris myself.”

Pero habang nakatutok nu’ng Linggong ‘yon ang mga tao sa interbyung ‘yon sa The Buzz, may ipinangtapat ang Showbiz Central in what it probably thought could rival Tita Cory’s funeral coverage, ang pagkamatay ng aso ni Jolina Magdangal.

Eto ulit si Nay Lolit: “Naloka ako, ha? May nanood din pala ng Showbiz Central nu’ng Sunday dahil ibinalita sa akin ng mga maid of honor ko sa house na natsugi na raw ang pet dog ni Jolina.”

Of course, we care about our pet animals: meron din silang karapatan, kaluluwa at kalalagyan. Pero mas pasok sa banga ang kuwentong ‘to ni Jolina and her dead pet dog in a showbiz-tailored Pinoy version of Animal Planet.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleLibing ni Tita Cory Aquino, blockbuster by Cristy Fermin
Next articleCharice Pempengco, hinarang sa burol by Tita Swarding

No posts to display