Lolit Solis, ‘di sumipot sa reception ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Lolit Solis, ‘di sumipot sa reception ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Lolit-SolisTULAD NG aming isinulat dito sa Pinoy Parazzi, tinotoo nga ni Lolit Solis ang ‘di niya pagsipot sa reception ng kasal ni Dingdong Dantes at ng bride nito noong December 30 last year. ‘Nay Lolit stood as one of the principal sponsors.

Not for anything, but ‘Nay Lolit is not a nocturnal person. Ang pagpitada ng alas-sais ng gabi ay katumbas na ng hatinggabi sa kanya, even showbiz presscons scheduled at 6 or 7 pm ay iniisnab niya.

Sa halip, ‘Nay Lolit—after attending the wedding rites—travelled en route to the PNP Custodial Center, kung saan nakapiit ang dalawang kaibigang mambabatas, sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Paliwanag ng manager cum TV host, “Nakita ko kasi si PNoy sa kasal, naramdaman ko tuloy ang injustice kina Bong at Jinggoy… injustice daw, o!”

Pero nakuha ring intrigahin ni ‘Nay Lolit si Jinggoy, base sa inasal ng ama nitong si Manila City Mayor Erap Estrada noong Gabi ng Parangal. It was Erap who handed the Festival Best Actress trophy to Jennylyn Mercado, requesting a peck on his cheek.

“Oy, Jinggoy, ano ba ‘yung ibinubulung-bulong ng tatay mo kay Jennylyn? Type ba niya si Jennylyn?” tanong ni ‘Nay Lolit. Ang totoo pala—ayon na rin sa ikinuwento ni ‘Nay Lolit sa Startalk sa January 3 episode nito—dalawang araw na palang nasa sa isip ni Erap ang aktres.

Now, it was ‘Nay Lolit’s turn to ask Jennylyn—nang mag-guest ito sa Startalk—kung ang tipo ba niyang boyfriend approximates Erap, to which ang ganting-tanong din ng aktres ay, “Ilang taon na po ba siya?”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III