Lolit Solis, binuwisit ni Kris Aquino

Lolit Solis, binuwisit ni Kris Aquino

Kris-Aquino-Lolit-SolisIBANG TAGPO naman ang nilalaman ng kolum na ito tungkol pa rin kay Lolit Solis, one of the proud ninangs sa kasal ni Dingdong Dantes at ng napangasawa nito. Kabilang din kasi sa mga principal sponsors ay sina Celia Rodriguez at Kris Aquino, among others.

Nang makatabi, si Manay Celia—as she’s fondly called—ang napagtripan ni ‘Nay Lolit. Pabirong panunumbat nito, “Ikaw talaga, Manay Celia, ang plastik-plastik mo! Akala ko ba, ‘di mo feel si Kris, pero nakikipagtsikahan ka sa kanya!”

Depensa naman daw ng premyadong aktres, “Lolit, I’m just being polite.”

Pero ang hindi nakaligtas sa rumerepekeng bibig ng talent manager cum TV host ang kanyang mismong dating alaga, si Kris.

Siyempre, nakapaloob ang misa sa seremonya ng kasalan. Dumating ang bahagi ng offertory, kung saan may mga nag-iikot na taong simbahan tangan ang pagsisidlan ng perang donasyon.

Ani Manay Celia, hawak ng PA niya ang kanyang bag kung saan naroon ang kanyang pitaka. Iniwan naman ni ‘Nay Lolit ang kanyang bag sa van.

Kuwento ni ‘Nay Lolit, “Alam mo ba’ng ginawa ni Kris? Naglabas talaga siya ng bundle ng tigwa-P1,000. ‘Okay, I’m just going to give you your share,’ Isang bundle ‘yon, ha, so P100,000 ‘yon! Sabi ko talaga kay Kris, ‘Ganyan ka naman talaga, eh! Kailangan pine-press release mo ‘yang ibinibigay mo!’”

Pero sa bandang huli, napagtanto ni ‘Nay Lolit na, “Alam mo, feeling ko, ako ang mas binuwisit ni Kris kesa ako ang nambuwisit sa kanya! Hmp!”

 

THIS SUNDAY’S episode of Ismol Family centers on fresh challenges: Bagong Taon, bagong business!

Kung dati-rati’y maliit lang ang Ismol Family, ngayon ay palaki na nang palaki na ang buong pamilya. After all, ito ang main objective nina Jingo at Majay, that is, how to increase their family income.

Hence, sa episode na ito makikilala ang Jayberns Bikery (take note, bikery at hindi gawaan ng tinapay, huh!) So, anong uri ng negosyo ito? May ”beki” element ba rito?

One thing’s for sure, isa na namang riot ang hatid ng episode na ito na may mga kakaibang pasabog courtesy of Dianne at Jackie o may bagong makikita kina Krippy at Yackie. Siyempre, hindi magpapakabog sina Ethan at Yumi (Miguel Tanfelix at Bianca Umali)

Pero paano na ang lovelife ni Mama A (Carmi Martin)? Magkakabalikan pa ba sila ni Lilet… este, ni Lance (Kevin Santos)? May umuugong din na tsismis na si Bobong (Pekto) ay may kinahuhumalingang babae, so paano na si Yumi, will she leave the household again?

Ilan lang ang mga kapana-panabik na tagpong ‘yan na dapat abangan sa Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III