Lola ni Deniece Cornejo, nagmumukhang kontrabida

ADVERTISING

Lola ni Deniece Cornejo, nagmumukhang kontrabida

Deniece-Cornejo IF IT were a TV or a film production, ang dapat sana’y bit player lang na si Mrs. Florencia Cornejo ang bumida nitong Biyernes sa Taguig City RTC, kung saan dininig ang petisyon para makapagpiyansa ang kanyang apong si Deniece—alongside Cedric Lee and Zimmer Raz—sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.

ADVERTISING

Scene stealer si Lola Florencia who arrived wearing a T-shirt on which naka-emblazon ang mga katagang “Justice For Deniece, Jail The Rapist!”

In the so-called dramatis personae, kung tutuusin, ang lead cast sa mala-dulang ito ay si Vhong at ang mga akusado. Puwedeng second lead ang immediate kin—mga kapatid o magulang—nila. But for a lola to be part of all this legal stage play, isang malaking teka muna.

Nalagasan na ba si Deniece ng kanyang mga blood-related kin kung kaya’t ang walang-kapagurang lola na lang niya palagi is taking the bullets for her?

ADVERTISING

Proof of Lola Florencia’s another agaw-eksenang court appearance ay ang umano’y kuwento niya tungkol sa kanilang face-off ni Vhong sa CR ng gusali ng korte near the restroom.

Wearing that T-shirt with that statement ay sinita raw siya ni Vhong. Katuwiran daw ni Lola Florencia, freedom of expression lang daw ‘yon na sinang-ayunan naman ng tumatayo nang lead counsel ng kanyang apo, si Atty. Ferdinand Topacio.

Nakaagaw raw ng atensiyon ang paghaharap nilang ‘yon ni Vhong prompting the judge para sabihing no provision under the law ang nagbabawal na magsuot ng T-shirt lalo’t kung isinasapubliko lang daw ng nagsuot ang kanyang saloobin.

Bersiyon pa ng lola, cool lang daw siya ng mga sandaling ‘yon although ang kanya umanong pagkahilo almost made her faint, worse, muntik na raw niyang ikamatay! Balak pa nga raw niyang ipa-blotter ang insidenteng ‘yon.

Sa panig ni Vhong, mariing itinanggi ng kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga that there arose an altercation. Kung ‘yun daw ang ipinamamarali ni Lola Florencia, so be it.

On Deniece’s part sa pamamagitan naman ni Atty. Ferdinand Topacio, kinumpirma niyang totoong may narinig siyang pagtatalo sa labas ng CR, not realizing na si Lola Florencia pala ‘yon.

In fairness to the lawyer, namagitan na siya para humupa na ang tensiyon.

Sa totoo lang, para sa mga kababayan nating nakatutok sa kasong ito, nakatutuwang-nakaiinis ang presensiya ng lola ni Deniece. Sa halip kasi na kaawaan man lang nang bahagya si Deniece, her contravida grannie is making everything all the more difficult for her!

Base sa kanyang itsura, during her younger years ay artistahin si Lola Florencia. Pero bakit kung kalian siya nagkaedad ay tila nagpapahiwatig siya na gusto niyang mag-artista?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING