LJ Reyes, nakukunsensya sa pinaggagawa sa soap

ADVERTISING

LJ Reyes, nakukunsensya sa pinaggagawa sa soap

LJ-ReyesDAHIL ISANG malupit na step mother ang role ni LJ Reyes sa Yagit, hindi raw maiiwasan na maging salbahe siya sa mga batang paslit sa serye na idinidirek ni Gina Alajar sa GMA 7, Monday to Friday.

Naikuwento nga ni LJ, nakukunsensya siya sa ginagawang pagmamalupit sa mga bagets sa Yagit. Pagkatapos ng take, panay raw ang sorry niya sa mga bagets na gumaganap sa serye.

Ang siste, minsan raw ay napapanood ng kanyang anak na si Aki ang serye at tiyempo pa na ang eksena ay pinagmamalupitan niya ang mga bagets. Sinita raw siya ng anak nila ni Paulo Avelino, kaya sinabihan niya ang yaya ni Aki na iwasan munang manood ng soap.

Kahit busy si LJ sa taping, naiisingit pa rin nito ang paggawa ng pelikula kasama si Lauren Young. Pero ano itong naglalabasan na hindi raw nakikipag-coordinate ang younger sister ni Megan Young para mag-promote ng kanilang pelikula?

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING