LJ Reyes, naiyak sa first international best actress award

ADVERTISING

LJ Reyes, naiyak sa first international best actress award

LJ-ReyesNAIYAK SI LJ Reyes sa kanyang kauna-unahang international best actress award.

Nasungkit nga ng Kapuso actress na si LJ ang Best Actress award ng 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia (Sept 12-18) para sa “maigting” na pagganap niya sa indie film na Anino Sa Likod Ng Buwan (Shadows Behind The Moon).

Ginanap nga ang awarding ceremonies noong Biyernes, September 18, sa Russia, ngunit nasa Pilipinas si LJ, kung kaya’t ang director niyang si Jun Robles Lana ang tumanggap ng award ni LJ, in her behalf.

“The award goes to LJ Reyes… for your brave and fearless performance in depicting a very complex character that has enabled the director to fulfill a most ambitious vision.” Ito ang Best Actress citation na pinost ni Direk Jun sa kanyang social media account.

ADVERTISING

Big winner ang nasabing pelikula dahil nanalo rin bilang Best Director si Direk Jun at nagwagi pa ito ng dalawang Critic prizes.

Unang nalaman ni LJ na nanalo siya nang makatanggap siya ng text message mula kay Direk Jun na nasa awarding ceremonies nga sa Russia.

“Noong nabasa ko (ang text message), naiyak na lang ako,” pag-amin ni LJ na noon pa ipinagmamalaki sa media ang laki ng hirap na dinanas niya in doing this film.

Pinaghirapan niya umano ang shooting, kunsaan kasama niya rin sa cast sina Luis Alandy at Anthony Falcon, na kung tama ang narinig naming chika ay may frontal nudity sa isang eksena.

Maging si LJ nga raw ay may daring scenes dito na hindi niya akalaing nagawa niya, pero ang katumbas naman ay isang acting award mula pa sa ibang bansa!

Laking tuwa naman ni LJ sa pagkanalo niya ng first international best actress award niya at aniya’y hindi pa rin siya makapaniwala na tinalo niya ang ibang international actresses na nominees.

Hindi man personal na natanggap ni LJ ang kanyang tropeo ay malaking appreciation na raw na nagustuhan ng viewers at critics ang pelikula nila, lalo’t nanalo pa.

Looking forward si LJ na ang “Anino Sa Likod Ng Buwan” ay magustuhan din ng local audience once na maipalabas na ito sa bansa.

Bongga si LJ dahil at her young age as actress ay may nasungkit nang international best actress award, huh! Nagwagi na rin siya ng Best Supporting actress for “The Leaving” sa Cinemalaya naman, some years ago.

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING