LJ Reyes, nabiktima ng basag kotse gang

ADVERTISING

LJ Reyes, nabiktima ng basag kotse gang

LJ-ReyesKAYA PALA hindi na tinapos ni LJ Reyes ang PEP List Award kamakailan na ginanap sa Solaire Hotel at umiiyak ito ay dahil ninakawan ang kotse niya ng basag kotse gang.

Nag-alala nang husto si LJ nang tawagan siya ng kanyang driver na nasimot ng magnanakaw ang laman ng kotse kasama na rito ang importanteng bagay para sa actress, ang laptop at hard drive, kung saan nandoon ang mga importanteng kuha ng kanyang anak na si Aki.

Ayon daw sa driver, naka-park ang kotse ni LJ sa tapat ng condo ng kapatid ng actress. Binasag ang salamin ng kotse habang kumakain daw ang driver.

Iniiyakan ni LJ ang mga larawan ng anak na si Aki dahil halos lahat ay nandoon. Sinimulan na nga raw ng actress na ilagay sa folder ang mga paborito niyang kuha ng anak para ipa-print, pero bigla ngang nawala.

ADVERTISING

Ini-report na raw ni LJ sa mga kinauukulan ang nangyaring pagnanakaw ng basag kotse gang at dalangin ng actress na sana raw kahit man lang ‘yung hard drive ay maibalik sa kanya dahil nandoon ang mga importanteng kuha ng kanyang pinakamamahal na anak.

Ipinagpapasalamat na lang ni LJ na wala sa kotse ang kanyang anak dahil kung nagkataon ay baka napahamak pa ito sa kamay ng mga magnanakaw.

Hanggang ngayon ay natutula pa rin daw si LJ kapag naiisip na naging biktima siya ng basag kotse gang. Wala na raw bang safe na lugar sa ating bansa?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING