LJ Reyes, may touching message sa 12th birthday ng anak na si Aki

NAGSULAT ng touching birthday message ang namimiss na nating talented actress na si LJ Reyes para sa anak na si Ethan Akio o Aki para sa 12th birthday nito.

LJ Reyes, may touching message sa 12th birthday ng anak na si Aki
Ethan Akio with LJ Reyes

Post ni LJ sa kanyang Instagram account, “I know that at this age, I will never sound cool to you. Ever! But I don’t care. I would still try to be cool to you (and your friends). What actually is so cool though is that you have been in my life this long and we have been through so much and you still are the reason (and Summer) that makes mommy keep going.”

Ayon kay LJ, maraming naituro ang anak sa kanya sa pagiging isang magulang at nangakong ibibigay ang lahat para sa kaligayahan ng anak.

“I would never ever let a day pass without kissing you or hugging you. Kahit binata ka na! Haha! I can compromise– basta wala friends mo. Haha!

“I thank God for you every day! He knows how much I love you baby. I hope you do too! Happiest and most blessed birthday Aki my love. Let’s have fun today!” patuloy pa niya.

Binati rin ng mga kaibigan ni LJ sa showbiz si Ethan tulad nina Chynna Ortaleza, Jolina Magdangal, Maricris Garcia etc. para sa kaarawan nito. Sa kanyang sariling Instagram account ay nagpahayag din ng pagbati si Paulo Avelino para sa kanyang anak.

Happy Birthday Aki!

Previous articleAlodia Gosiengfiao engaged na kay Christopher Quimbo
Next articleVLOG WATCH: Paul Salas, nagpropose kay Mikee Quintos?!