LJ Reyes ibinunyag na hindi pa rin nagpaparamdam si Paolo Contis sa kanya

MAHIGIT dalawang buwan na rin ang lumipas nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Ikinabigla ito ng mga fans and followers nila dahil sa social media ay tila sila ang ‘ideal couple’.

LJ Reyes ibinunyag na hindi pa rin nagpaparamdam si Paolo Contis sa kanya
LJ Reyes

Hindi man nito diniretso ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, na-link naman si Paolo Contis sa kanyang ‘A Faraway Land’ leading lady na si Yen Santos. Naispatan pa nga sila ng mga fans sa Baguio City at sa Pangasinan. Itinanggi ni Paolo na may romantic relationship sila ni Yen at sinabing nagpunta lang sila sa City of Pines ‘as a friend’.

Kasalukuyang nasa New York si LJ Reyes kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Binisita sila ni Boy Abunda para sa isang exclusive interview.

Nang tanungin ni Tito Boy kung kamusta na siya, aminado ang award-winning actress na hanggang ngayon ay nahihirapan siya sa sitwasyon nila.

“I want to be honest there are days that I find it difficult to…ang hirap nito. Okay, nandito kayo ng mga bata. Kailangan kayanin mo. Halos minu-minuto akong nagdadasal. If not, may mga araw na I don’t feel okay,” paliwanag niya.

“It will be a very long journey, a difficult one. Pero, kumakapit na ako sa Diyos.”

Nang usisain kung napatawad na niya si Paolo, naging honest ito sa pagsabi na sana’y maabot na niya ang puntong iyon.

“It’s a work in progress. Pinagdadasal ko na mapatawad ko siya kasi I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. And I won’t be able to move on with my kids nang maayos. Yung walang galit. May pain, hindi mawawala yun,” aniya.

Hindi na rin pinagusapan ang statement na inilabas ni Paolo Contis noong nakaraang buwan, kung saan inako niya na siya ang may pagkukulang sa pagkawasak ng kanilang relasyon.

LJ Reyes ibinunyag na hindi pa rin nagpaparamdam si Paolo Contis sa kanya
LJ REYES | Paolo Contis and LJ Reyes

Nagpasalamat din si LJ Reyes sa pagmamahal at suportang ipinakita ng mga netizens sa kanyang pinagdaanan.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Sobrang laking bagay po sa akin that we feel your love and your support and it really helped me a lot. Para sabihin ko rin sa sarili ko na kaya ko,”

Pagdating naman sa kanyang ex-partner na si Paulo Avelino na ama ng kanyang panganay na si Aki, ibinahagi ni LJ Reyes na nag-reach out ito sa kanya at kinamusta silang mag-iina.

“Nagsabi lang siya na I know you are going through a very difficult time. Syempre ang iniisip niya rin si Aki. And if anything daw that I need, when it comes to Aki, I can always tell him,”

Hanggang ngayon naman ay hindi pa masabi ni LJ Reyes kung lilisanin na ba niya nang tuluyan ang mundo ng showbiz dahil sa nangyari.

“I’m thinking life one day at a time. Ang hirap po magsalita…Hindi ko po alam what’s gonna happen. It’s okay to take your time. It’s okay to give time to yourself to heal, to figure out things. Mahirap kung mamadaliin yung mga bagay,” sambit ng fighting mom.