LJ Reyes, ‘di pa raw nagle-level up ang relasyon kay Paolo Contis

ADVERTISING

LJ Reyes, ‘di pa raw nagle-level up ang relasyon kay Paolo Contis

LJ-ReyesKung si Paolo Contis ay sobrang tipid magsalita tungkol sa balitang may namamagitan na sa kanila ni LJ Reyes. Si LJ naman ay isang matamis na ngiti lang ang itinutugon kapag tinanong sa relasyon nila ni Paolo.

“Wala pa kami sa ganoong level. Wala akong maisasagot, kasi wala naman talaga (relasyon kay Paolo). ‘Yung sa amin ni Paolo, nagkataon na nandiyan siya at naging maganda ang pagiging magkaibigan namin. Wala namang anything official pa sa amin ni Paolo,” say ni LJ.

Sa darating na Kapaskuhan ay pupunta ng New York si LJ kasama ang anak nila ni Paulo Avelino na si Ethan. Gusto raw kasi ni LJ na makasama ni Ethan ang lola nito na matagal na raw naglalambing na makita sila.

“Gustuhin ko man na rito kami mag-Christmas, nakapangako na ako sa mommy ko na dadalhin ko si Ethan sa kanya. Pero uuwi rin kami kaagad bago magsimula ulit ang classes in January. Okey sana kung magtagal kami roon kasi wala pa naman akong bagong project na sisimulan. Ang inaalala ko ay ang school ni Ethan, kaya mga less than two weeks lang kami sa New York City.”

ADVERTISING

When asked kung susunod ba si Paulo sa kanila sa NY para makasama sila sa Pasko?

“Okey lang sa akin kung susunod siya. Depende sa kanya. Na kay Paulo naman ang desisyon if he wants to spend Holidays with me and Ethan or dito na lang siya,” pagtatapos ni LJ.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING