LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo Avelino

ADVERTISING

LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo Avelino

LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo AvelinoAYAW KUMPIRMAHIN ni LJ Reyes kung talagang totoo ang napapabalitang tuluyan na silang nagkalabuan ni Paulo Avelino, na ama ng kanyang three year old son. Sasagutin daw niya ang isyung ito in due time.

Marami ang tila naka’y LJ ang simpatiya. Ito’y dahil sa obserbasyon din ng iba na parang ipinagpalit silang mag-ina ng aktor sa opportunity na mapaangat ang career nito.

“Hindi naman po ako naghahanap ng simpatiya. Siyempre ayoko rin naman po na… parang sumama naman ang tingin do’n sa isa,” si Paulo ang tinutukoy niya. “Pero ano… ang sa akin lang po, basta ‘pag dumating ang panahon na nagsalita kami, ganyan… ang hinihingi ko lang po ay understanding. Not just para sa akin. Pero para rin po sa kanya.”

Pero magsasalita ba naman si Paulo. Ang isang naipintas nga ng marami sa aktor, ‘yong ayaw nitong matanong tungkol kay LJ at maging sa anak nila.

ADVERTISING

May ibang mga binatang ama rin naman sa showbiz pero hindi naman umiiwas na mausisa tungkol sa kanilang anak. Proud pa nga ang mga ito sa pagiging ama ng anak nila.

Bakit daw si Paulo, hindi mapanindigan na tatay na rin siya? Alam naman ng lahat na nagkaanak sila ni LJ. Tingin ba raw nito ay kasiraan sa career niya ang bata?

LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo AvelinoHindi ba nasasaktan si LJ bilang ina na hindi kayang maging proud ni Paolo sa anak nila?

“Well, uhm… alam n’yo na po ‘yong sagot diyan!” nangiting reaksiyon na lang ng aktres. “Pero ang sa akin lang po siguro, kaya ko na pong dalhin siguro ‘yong mga bagay-bagay. Kaya kong magdala ng problema. At kaya ko pong ihiwalay ‘yong personal na buhay ko at ‘yong sa trabaho ko.”

May communication pa ba sila ni Paulo? “Meron.”

Friends ba ang turingan nila sa ngayon? “Ah, may responsibilidad kami pareho sa anak namin. Kaya talagang nag-uusap kami.”

Si Paulo ba, nagagampanan nang maayos ang pagiging ama nito sa kanilang anak? Regular din ba itong nagbibigay ng sustento? “Ayoko muna pong magsalita tungkol diyan. Kasi, ‘pag dumating na lang po ‘yong oras na nagsalita ako tungkol sa topic na ‘yan, lilinawin ko po lahat.”

May takot din ba siyang nararamdaman kaya ayaw pa niyang magsalita? “Hindi naman. Basta… in due time. I mean, I don’t think na ang isang bagay o problema mo… mapi-pinpoint mo sa iisang dahilan. At saka bago ako magsalita, kailangan nagkausap din kami. Darating din ‘yong time na iyon. Ang hinihingi ko lang sa lahat eh, bigyan ako ng panahon. Kasi, magsasalita din ako kapag maayos na ang lahat. Kasi kapag magulo ‘yong mga bagay-bagay at nagsalita ka, maraming side comments. At may mga ibang makikialam. Mas lalong gugulo.”

Hanggang kailan naman magiging sarado ang pinto niya para sa bagong pag-ibig? Isn’t it time na mag-entertain na rin siya ng suitors?

“Wala muna po talaga!” natawang sabi na lang ni LJ.

Paano kung si Paulo, mabalitaan niyang may iba na? Will she get hurt kapag may naging bago na itong karelasyon?

“Kayo talaga!” napahalakhak na reaksiyon niya. “Uhm… hindi ko po alam, eh. Hindi ko po masabi. Tingnan natin. Kapag meron na, tanungin n’yo ako ulit.”

What if sa isang gay ma-link si Paulo? Nangyayari kasi na ‘yong ibang aktor, lalo kapag gumaganda na ang takbo ng career, napagdududahan na baka may maimpluwensiyang bading na karelasyon ito.

“Feeling ko naman, normal na sa panahon ngayon na may nali-link sa isang gay. Na hindi na talaga kagulat-gulat iyon.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING