LJ Moreno, ikinuwento ang malungkot na kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa kulungan

ADVERTISING

LJ Moreno, ikinuwento ang malungkot na kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa kulungan

MALUNGKOT na ikinuwento ni LJ Moreno ang pagdalaw niya sa kanyang pinsang si Mark Anthony Fernandez sa kulungan. Matagal-tagal na raw nang huling madalaw ni LJ sa kulungan ang pinsan. 

LJ Moreno, ikinuwento ang malungkot na kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa kulungan
LJ Moreno

Hanggang ngayon, nakapiit si Mark Anthony, sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan sa Angeles City noong October 2016.

Pagkukuwento ni LJ, “Noong una, ‘di ba, presinto lang? Pumunta rin kami, si Winwyn (Marquez) kasama ko. Noong inilipat na siya, pumunta kami. Siyempre, nakaka-break ng heart. Noong nagpunta kami, sabi niya, ‘Help me get out.’ Nakaka-break ng heart.”

“Sabi ko kay Jimmy, ‘I wanna visit him again’,” sabi pa ni LJ. Si Jimmy Alapag, dating PBA player, ang mister ni LJ.

ADVERTISING

Ano ang ibinibigay niyang advice para sa kanyang pinsang si Mark Anthony, ganu’n din sa kanyang Tita Alma Moreno?

Ani LJ, “Actually ang hirap, sobrang naawa ako kay Mark. Hindi ko talaga mapigilan na maluha, kasi nakikita ko siyang nahihirapan nang sobra . Siguro prayers at dalasan siguro ang pagdalaw sa kanya.”

“Sa tita ko naman, kilala ko ‘yan very strong woman ‘yan. I-pag pray ko rin siya na sana malampasan niya lahat ng pagsubok na ito,” pahayag pa ni LJ patungkol kay Alma.  

“Alam ko pagsubok lang ito para sa pamilya namin, at lagi naman akong nandito para sa tita ko, alam naman niya ‘yun,” dagdag pa niya. 

ADVERTISING