LizQuen ibinunyag ang sikreto ng matatag na relasyon

Leo Bukas

MARAMI ang humahanga sa tatag ng relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil. Six years na ang celebrity couple na nagsimula bilang magka-love team noong 2013.

Sa isang interbyu sa LizQuen ay natanong kung ano ang sikreto sa kanilang matatag na relasyon na kahit kailan ay hindi pa napapabalitang nagkaroon ng problema.

Ani Liza, respeto ang isa sa pinakamahalagang susi kung bakit sila tumatagal.

LizQuen ibinunyag ang sikreto ng matatag na relasyon
Enrique Gil and Liza Soberano

“I guess we just have so much respect for each other. And he likes being with me. He likes being with his family. I am the same way. I don’t like being alone and I really enjoy his company,” sabi pa ng Kapamilya actress.

Nag-uusap din daw sila kaagad kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

“He won’t let me go away or go to bed without fixing it,” sey pa ni Liza.

“It’s just crazy we have made it this far. Well it’s not crazy that we have made it this far. We are going really strong,” dagdag pa ng dalawa.

Samantala, dream project ng LizQuen na makagawa ng horror movie.

“We have a weird obsession and fascination with zombies. They are not the perfect human beings but if you can understand the characters, you will fall in love with them,” sabi ulit ng dalawa.